MATAPOS ang nag-viral na dyowa reveal ni Kapamilya star Maymay Entrata, ngayon naman ay muling nagte-trending ang aktres dahil sa kumakalat na chika patungkol sa kanyang boyfriend.
May isang YouTube vlogger na may-ari ng “The Cardoding Show” channel kasi na nagpapakalat na “fake” at “scammer” daw ang dyowa ng aktres.
Sa kanyang Twitter account ay naglabas si Maymay ng babala sa publiko na patuloy na nagpapakalat ng maling balita ukol sa kanyang Canadian boyfriend.
May ilan pang nagsasabi na kahawig raw ng kanyang dyowa ang napapabalita sa documentary film ng Netflix na si Simon Leviev na binansagang “Tinder Swindler”.
“FAKE NEWS!!” saad ni Matmay.
“Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po,” dagdag pa niya.
Nang tignan namin ang link na kasama sa tweet ni Maymay ay makikitang deleted na ang video.
Nang i-check rin namin ang Twitter user na nasa likod ng mapanirang video na may username na @ThecardodingS ay deleted na rin ang account o maaaring nagpalit na ito ng username.
Matatandaang noong Valentine’s Day ay ginulat ni Maymay ang madlang pipol nang i-reveal niya sa Instagram kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso.
“Happy Birthday my Valentino,” saad ni Maymay kung saan makikita silang sweet na sweet na magkayakap.
Isang non-showbiz Canadian guy ang nagpapasaya ngayon sa dalaga ma nakilala bilang si Aaron Haskell.
Related Chika:
Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!
Maymay hindi payag na magpakita ng motibo sa taong gusto n’ya: Ayaw kong manligaw kahit hindi ako kagandahan, bahala kayo d’yan
Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali