Joshua kumain daw sa carenderia sa Bulacan: Ang kutsara na ginamit niya naitabi po namin | Bandera

Joshua kumain daw sa carenderia sa Bulacan: Ang kutsara na ginamit niya naitabi po namin

Alex Brosas |February 22,2022
facebook
share this

Joshua kumain daw sa carenderia sa Bulacan: Ang kutsara na ginamit niya naitabi po namin

Alex Brosas - February 22, 2022 - 07:36 AM

Joshua Garcia

ALIW na aliw kami sa post ng isang  carinderia sa Bulacan na ibinalitang kumain doon ang actor na si Joshua Garcia.  

Sa post ng Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa kanilang Facebook account ay ito ang nakasulat: “Joshua Garcia and Jeffrey Santos kahit sila nasarapan sa AJ bagnet plain rice.

“At ang kutsara na ginamit ni Josh naitabi pa po namin. Kaya tara na island talipapa palmera 588b sjdm. 24hrs po kami.”

Ang daming nag-react lalo na noong nag-comment ang isa yatang may-ari ng resto who said, “Binebenta po namin ang pinagkainan niya hahaha.” 

Kaaliw ang reaction ng madlang pipol sa kanilang Facebook post.

“Pakitabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kakain ako dyan. Huwag niyo na po hugasan hahaha.”

“How much po? HAHAHAHAHA!”

“Sabi ko sa inyo kumain na tayo dito, sana nakita ko na si baby Joshua.”

“Pre, kumain din tayo dito buti hindi ako nakilala.”

“Nandito pala kamukha natin malas niya di nya tayo inabutan hahaha.”

Iba na talaga ang status ni Joshua.  Siya na ang kinikilalang Tiktok King base na rin sa milyong nakapanood ng kanyang post sa nasabing app na click na click ngayon sa mga kabataan. 

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


* * *

Kaisa ang Sagip Pelikula ng ABS-CBN Film Restoration at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagpapalabas ng restored Pinoy classics nang libre sa “Mga Hiyas ng Sineng Pilipino” sa Manila Metropolitan Theater (MET) simula Peb. 20 (nitong Linggo). 

Ipalalabas muli ng mga natatanging pelikulang Pilipino noon sa pinilakang-tabing, na sinagip at pinaganda para mapanood muli ngayon at sa susunod pang mga panahon.

Kabilang sa mga ipalalabas ang award-winning 1995 romantic-drama hit ng Star Cinema na “Sana Maulit Muli” tampok sina Aga Mulach at Lea Salonga.

Mapapanood muli ng madla ang pag-iibigan nina Jerry (Aga) at Agnes (Lea) at kung paano susubukin ang kanilang relasyon matapos mag-abroad si Agnes para makasama ang nawalay na ina habang gugugulin naman ng binata ang sarili sa pagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan. 

Matapos ang ilang mga hamon, hindi nagtagal ay naghiwalay ang dalawa pero desidido si Jerry na sundan si Agnes sa Amerika para magsimulang muli. 

Ihahatid din ng FDCP at ng Philippine Film Archive (PFA) ang ilan pang mga digitally restored na obra noon, tulad ng “Dalagang Ilocana” (1954) na pinagbidahan nina Gloria Romero, Dolphy, Ric Rodrigo, at Tita de Villa sa direksyon ni Olive La Torre; at “Pagdating sa Dulo” (1971) na pinangunahan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ishmael Bernal tampok sina Rita Gomez, Eddie Garcia, Vic Vargas, Rosemarie Gil, Ronaldo Valdez  at iba pa. 

Mapapanood din nang libre sa darating na Linggo ang “Dalagang Ilocana” ng 10 a.m., “Pagdating sa Dulo” ng 1:30 p.m., at “Sana Maulit Muli” ng 3 p.m.. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para makakuha ng libreng tickets kada pelikula, magparehistro online sa bit.ly/DLsaMET para sa “Dalagang Ilocana,” bit.ly/PSDsaMET para sa “Pagdating sa Dulo,” at bit.ly/SMMsaMET para sa “Sana Maulit Muli.” 

Epekto kay Meryll ng bipolar disorder: Wala akong energy sa life, gustong kumain nang kumain

Aiko naaksidente sa loob ng CR matapos kumain ng spicy ramen: Malalim ‘yung sugat at putok ng ulo ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending