MALAKI ang nabago sa buhay ngayon nina JC Santos at Coleen Garcia bilang mga magulang na sa kani-kanilang mga anak na sina Baby River Aletheia at Baby Amari respectively.
Base sa kuwento sa katatapos na zoom virtual mediacon ng pelikulang “Adarna Gang” ay tungkol sa parenting ang pinag-uusapan nina JC at Coleen sa set.
Sabi ni Coleen, “Well for me, I think of myself so much less like when we go for a trip parang dati isang maleta (ng puro gamit) ako tapos naisip ko ‘yung mga dadalhin ko for myself and everything, ngayon one-fourth na lang (laman) ng maleta and talagang inuuna ko ‘yung needs ng baby. I cook for him everyday tapos ako nag-o-order na lang ng pagkain. So, it’s really a big difference.”
Inamin din ng aktres na simula ng maging mommy siya ay hindi na naging kumpleto ang tulog niya tulad noong wala pa siyang anak.
“The sleep has never been buo, ha, haha, talagang every night I don’t have more than two hours (sleep) straight, so, nakaka-challenge talaga especially Billy’s (Crawford) is at work also, so, I’m with him very often and maka-mommy talaga siya, very clingy. ‘Yun parang ang dami kong na-realize na dati it was such a big deal for me pero ngayon ang dami ng nabago,” kuwento ng aktres.
Nabanggit pa na lahat ng plano niya ngayon ay kasama si Amari.
Say naman ni JC, “Sabi nila kapag daddy ka na mawawala na ‘yung freedom and everything parang ako hiyang, eh, ha, haha. Nae-enjoy ko siya (baby River) nang sobra, nae-enjoy ko siya ng everyday at saka mga discoveries na habang lumalaki ‘yung baby mo you’ll see it everyday tapos nakikita mo ‘yung nagiging personality niya and nakikita mo na magiging maayos ito na tao.
“And I like that, na-enjoy ko ito sobra at naging saver ko na may baby ako ngayon pandemic kasi kung wala baka mabaliw ako, ha, haha. Kasi mahirap na ‘yung work ngayon buti na lang meron akong kausap at pinagkakaabalahan sa bahay, so, ang saya pa kasi baby pa and yeah, I enjoyed so much pati ‘yung challenges it’s part of the job.
Mahirap pero it’s fun and may instant progress naman kaagad, may reward, so, hiyang.”
Samantala, ang kuwento ng “Adarna Gang” ay tungkol sa tatlong prinsipe na tumutugis sa isang ibong may tinig na nakapagpapagaling. Ito ay isang mahabang tula sa panitikang Pilipino na ginawan ng maraming bersyon sa pelikula, telebisyon, at teatro.
Sa halip na isang ibon at tatlong prinsipe, ipinakikilala dito ang isang dalaga at tatlong miyembro ng sindikato na nag-aagawan sa pagiging “hari”.
Si Coleen ang gumaganap bilang Adriana, unica hija ng mag-asawang Jose (Soliman Cruz) at Maria (Mickey Ferriols). Batid ni Adriana na sangkot sa sindikato ang kanyang ama kahit na hindi nila ito pinag-uusapan. Umaasa na lamang siya na matutupad ang pangako nitong lilipat na sila sa probinsiya.
Ngunit maglalaho ang pangarap na ito nang mapatay si Jose. Si JC Santos ay gumaganap bilang Juan, isa sa tatlong anak-anakan nina Fernando (Ronnie Lazaro), ang lider ng sindikato, at Valeriana (Sharmaine Buencamino).
Kumpara sa kanyang mga tinuturing na kapatid, swabe at magaan kasama si Juan. Sinusubukan nitong maging kaibigan si Adriana dahil magkaibigan naman ang kanilang mga ama.
Diego rin ang pangalan ng karakter ni Diego Loyzaga, siya ang bunso sa tatlo na numero unong babaero, pero pagdating sa sindikato ay kulang pa sa galling pero masunurin naman sa lahat ng utos.
Si Mark Anthony Fernandez ay si Pedro, ang pinakamatanda at pinaka-ambisyoso. Hindi siya mag-aatubiling alisin ang sino mang balakid sa sindikato. Sigurado si Adriana na ang pamilya nina Fernando ang pumatay sa kanyang ama kaya naman handa nitong balikan sila isa-isa.
Samantala, tulad ng pangyayari sa “Ibong Adarna”, inutusan din sina Juan, Diego, at Pedro na tugisin si Adriana. Ang unang makahuhuli sa kanya ay gagantimpalaan ng malaki.
Mapapanood na sa Vivamax ang “Adarna Gang” simula March 11 mula sa direksyon ni John Red at produced ng Viva Films. Kasama rin sa cast si Rob Guinto.
Related Chika:
JC Santos: Madaling umiyak pero ang pinakamahirap ay ‘yung magpipigil ka!
JC Santos umamin sa ‘biggest challenge’ sa showbiz; wish na magbukas na uli ang mga sinehan