JC Santos umamin sa 'biggest challenge' sa showbiz; wish na magbukas na uli ang mga sinehan | Bandera

JC Santos umamin sa ‘biggest challenge’ sa showbiz; wish na magbukas na uli ang mga sinehan

Ervin Santiago - May 19, 2021 - 09:29 AM

EDAD 16 pa lamang ay umaakting na si JC Santos at marami-rami na rin siyang nagawang teleserye at pelikula na naging daan para makilala siya mula sa mga indie hanggang sa mainstream movies.

Sa nakaraang virtual thanksgiving at mediacon ng TBA Studios para sa tagumpay ng pandemic film nilang “Dito at Doon”, sinabi ni JC na isa sa mga hinihiling niya ay maging maayos na ang sitwasyon sa bansa para makapagbukas na uli ang mga sinehan.

Sigurado raw kasing hindi lang siya ang nakaka-miss manood ng mga pelikula sa sinehan kahit na nga may iba nang platforms na pwedeng magamit ang mga producers para ipalabas ang mga bago nilang movie.

Sa nasabi ring presscon, natanong si JC kung ano ang biggest challenge na hinarap niya sa mundo ng showbiz sa loob ng ilang taon, “I’ve been acting since I was 16 so pinili ko talaga siya. Gusto ko talaga siya.

“Wala na akong ibang piniling course, as in rekta ako sa community theater from Pampanga to UP na mag Theater Arts and that’s what I’m going to do for the rest of my life, ganu’n,” pahayag ng leading man ni Janine Gutierrez sa matagumpay na “Dito at Doon”.

“So I think ang pinakamahirap na nangyari sa akin sa screen is yung wala pang pandemya ha, ang sarap-sarap gawin ng acting, ang sarap katrabaho ng mga tao, so walang tulog.

“Yun yung hindi ko kaya. Du’n lang ako natsa-challenge nang todo kapag kailangan naming mag-shoot ng ganitong oras, at the same time pupunta ka ng madaling araw or umaga.

“Yun lang eh, pinag-usapan namin ito ni Iza (Calzado). Sabi niya, ‘This job is so much fun, this job is great and the people are great. But it’s just that walang tulog.’

“So parang ang hirap. Yun lang yung challenge for me. Pero nag-e-enjoy ako the whole time. And the process,” aniya pa.

Samantala, naniniwala si JC na  napakahalaga ng pagpapalabas ng “Dito at Doon” ngayong panahon ng pandemya, “Sobrang importante nitong pelikulang ito. Parang kailangan siya mapanood ng mga tao, eh.

“We really wanted to give people hope sa panahon na ‘to and I think du’n na lang tayo nakakapit ngayon, eh. We’re on survival mode, di ba? So parang naitawid ng pelikula namin yun,” esplika pa ng aktor.

Kasunod nito, nasabi nga ni JC na sana’y mapanood din nila ang pelikula pati na ng madlang pipol sa mga sinehan kapag safe na uling lumabas ang lahat ng tao.

“Iba pa rin kasi yung experience kapag nasa loob ka ng cinema. Ang sarap pa rin nu’n, eh. Iba talaga yung nabibigay nu’n sa mga tao. At saka yung paglabas mo nu’ng sinehan tapos sasabihin mo, ‘Uy, nag-enjoy ako du’n.’ Ang sarap nu’n.

“‘Nasulit ko yung bayad ko,’ yung ganu’n. And iba yung ikaw yung spectator. I miss that feeling at sana bumalik na. Kung maisip nila na maipalabas sa sinehan feeling ko iba pa rin yung experience niya. Ganu’n pa rin. As in mas malakas pa,” paliwanag pa ni JC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaari pa ring mapanood ang “Dito at Doon” sa KTX, Cinema 76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, at Upstream. For international audiences, Dito at Doon (Here and There) is exclusive on TBA Play for a limited time only in USA, Canada, and select territories in Europe, Middle East, and North Africa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending