Lolit Solis balak mag-social media detox pero ‘di natuloy, bakit kaya?

Lolit Solis balak mag-social media detox pero 'di natuloy, bakit kaya?
AMINADO ang manunulat at talent manager na si Lolit Solis na binalak niyang mag-social media detox ng isang linggo.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang plano niyang pagpapahinga sa online world.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya kung ano ang dahilan ng pagkaunsyami ng kanyang plano.

“Alam mo ba Salve na sana nga mag social media detox ako for a week? Pero baka isipin ng mga kalokang group na nagtagumpay sila na mapaalis ang IG ko kaya bigla akong gumawa ng text para sa IG, hah hah hah,” pagbabahagi ni Manay Lolit.

Aniya, naloloka nga raw siya dahil sa kabila ng kanyang edad na 75 ay mayroon pa ring naiimbyerna at napipikon sa kanya. Pakiramdam niya ay relevant na relevant pa rin siya.

Kinuwento rin nito ang mga bagay na nagbago sa kanya buhat nang magka-edad na siya.

“Sa totoo lang, dahil nga siguro matanda na ako, medyo tamad-tamaran na ang feeling ko. Tanghali na ako bumabangon, eh dati 6 ng umaga very energetic pa ako, now iyon body clock ko ayaw nang gumana sa ganuon oras kaya almost 7 ako tumatayo, hindi pa gising utak kahit 8 na ng umaga,” pagkukwento ni Manay Lolit.

Sey pa niya mabuto na lang daw ay may mga kasama siya na madalas nagpapaalala ng kanyang mga dapat na gawin.

“Talaga pala slow down na physically katawan mo at mentally tinatamad ka pag ganitong edad na. Buti na lang Salve nandiyan kayo ni Gorgy, at least taga remind ng mga dapat kung gawin,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Pero kahit na ganoon na ang kanyang pakiramdam ay mukhang eala pa rin siyang balak na magpahinga dahil alam niyang magdiriwang ang mga netizens na bet na bet na siyang patahimikin.

“Kaloka, kundi lang baka tumalon sa tuwa mga grupo ng mga bobitang followers ng isang may pagka bobita din star, baka sana rest muna ako sa IG. Pero ayaw ko silang mag enjoy noh, heto IG parin ako, hah hah , kill joy talaga.”

Related Chika:
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…
Wish ni Lolit Solis kay Kris: Sana nga si Mel Sarmiento na ang forever niya!

Read more...