PINATUNAYAN ni Pauleen Luna na lahat ay handang gawin ng ina para lamang sa kasiyahan ng kanyang anak.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang video kung saan magkasama nilang sinubukan ni Tali ang sumakay sa zipline.
“There’s a saying that a parent would do anything for their child…. today i proved that to be true. I am a brave person in general but if there’s one big fear (pantay sila ng fear of frogs) that is the fear of heights!” saad ni Pauleen.
Pagkukwento niya, kinukulit daw siya ng anak na sumakay sa zipline kaya pumayag siya dahil gusto niyang maging matapang para sa anak at para mapagbigyan na rin ang munting kahilingan nito.
“This little girl asked me to ride the zipline with her. I had jello knees sa stairs palang But i wanted to be brave for her! Thank God i did not faint! Hahaha! Proud of you Tali! What a brave little girl!” dagdag pa ni Pauleen.
Halata naman na na-enjoy ni Baby Tali ang zipline experience base na rin sa video na mukhang si Bossing Vic pa ang kumuha dahil maririnig ang boses nito na para bang tsini-cheer ang anak.
“One more, Tali!” saad ni Bossing Vic.
Marami naman ang naaliw sa naging bonding ng mag-ina.
“Brave girl!!! And brave Mama! Hahaha!!!” comment ng asawa ni Gian na si Joy Sotto.
Sey naman ni Allan K, “Nakakatuwa naman! Ang tapang ni Tali!”
Puring-puri rin ng mga netizens ang mag-ina.
“Good job bany ans proud of you, mama!” saad ng Instagram user na si @micschulte.
Isang netizen naman ang tila naka-relate kay Pauleen ang nag-share ng kanyang kwentong nanay.
“This is true. I remember nagpunta kami sa MOA before with my 2 boys. 3 & 4 years old pa lang sila noon. Gusto nilang sumakay sa mini ferris wheel. Takot ako sa mga ganong ride pero no choice. Sinamahan ko sila kasi walang ibang makakasama. Grabe ‘yung kapit ko sa railings nung ride,” pagbabahagi ng netizen.
Sa separate Instagram post ay ibinandera naman ni Pauleen ang pictures nilang tatlo nina Tali at Bossing na masayang nagba-bonding na mag-anak.
Related Chika:
Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard