Michael Leyva napagkamalang kumakandidato ngayong eleksyon: I am not running

Michael Leyva napagkamalang kumakandidato ngayong eleksyon: I am not running
NILINAW ng fashion designer na si Michael Leyva na hindi siya tatakbo sa kahit na anumang posisyon sa gobyerno ngayong darating na eleksyon.

Base sa official statement na inilabas ni Atty. Gideon V. Peña, abogado ng fashion designer, nilinaw nito na hindi siya ang “Michael Leyva” na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-councilor sa kanyang hometown sa Antipolo.

“Michael Leyva is not running for any public office. He is not the same person who has filed a Certificate of Candidacy for an elective position in his hometown, Antipolo.

“Michael Leyva remains committed to inspiring and serving people and making them feel more confident, beautiful, and empowered in other ways, primarily through fashion,” paglilinaw ng abogado.

Marami raw kasi ang nag-aakala na tatakbo ang fashion designer dahil mayroong isang “Michael Leyva” ang kasalukuyang tumatakbo sa Antipolo.

Sapantaha ng ibang mga nakakakilala sa fashion designer, na siya at ang tumatakbong “Michael Leyva” ay iisa.

“I have been asked about this so many times already. I am not running. Let’s make our country great by focusing on what we do best, and by voting wisely,” saad ni Michael sa kanyang shared Facebook post.

Isa si Michael sa mga kilalang personalidad pagdating sa fashion industry.

Nitong Nobyembre, 2021 lang nang pag-usapan ang kanyang isinagawang Enchanted fashion show kung saan dinamitan niya ang dalawa sa mga promising Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Bukod sa dalawang aktres ay present din si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez kasama sina Maureen Wroblewitz, Steffi Aberasturi, and Victoria Velasquez Vincent.

Isa rin siya sa mga nanguna sa pagtulong sa ating healthcare workers sa pamamagitan ng paggawa ng libreng Personal Protective Equipment (PPE) nitong pandemya.

Related Chika:
LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US
Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

Read more...