Marco ipinatikim kina Julia at Xian ang favorite na ‘sinigang with ketchup’: Nawirduhan sila!

Xian Lim, Julia Barretto, Brillante Mendoza at Marco Gumabao

FEELING intimidated ang Kapamilya hunk actor na si Marco Gumabao nang makatrabaho for the first time ang award-winning director na si Brillante Mendoza.

Inamin ng binata na malaking adjustment ang kailangan niyang gawin para makasabay sa working style ni Direk Brillante para sa horror movie nilang “Bahay na Pula” na kinunan pa sa Mindoro.

“I was quite intimidated kasi first time kong magtrabaho na wala kaming script.

“Direk just tells us what we’ll do sa set na. So we just trusted si Direk totally. Kung ano ang instructions niya, we followed him. 

“He also gave us the freedom to do what the character would do, so you just react according to what the scene requires. It’s a collaboration,” pahayag ni Marco sa virtual mediacon ng “Bahay Na Pula” under Viva Films.

Kuwento pa ni Marco sa naging experience niya sa kanilang lock-in shooting kasama sina Julia Barretto at Xian Lim, “We shot this in Pola, Oriental Mindoro in an old house that is creepy talaga.

“Nang mapunta kami sa silong, ‘yung ilalim ng bahay, tumayo talaga ang balahibo ko kasi I really felt na merong kakaibang presence in it. Nung pumipili pa lang kami ng kuwarto, may mga naramdaman na ako, pero hindi ko na lang pinapansin,” kuwento ng aktor.

Dagdag pa ng binata, “Mahirap umacting kasi you have to act like you’re really scared of something na idadagdag lang nila later sa special effects. So make believe lang talaga, pero dapat very convincing ang acting mo para maging believable.”

Pero in fairness naman daw, super nag-enjoy sila sa kanilang shooting,  “Yes, kasi nga, magkakasama kaming lahat sa isang resort hotel where we are all booked together during the shoot, kaya marami kaming bonding moments nina Julia Barretto and Xian Lim during the shooting.”

Sa kuwento, gaganap na mag-asawa sina Julia at Xian na babalik sa Mindoro para ibenta ang ancestral home na minana ni Julia sa kanyang lola. 

Si Marco naman ang dating boyfriend ni Julia na muling  magkakaroon ng feelings para sa isa’t isa nang muling magkita. Ngunit nang magkasama-sama silang tatlo bigla na lang silang makararanas ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari.


“I’ve worked with both of them on TV so kilala ko na sila. But si Xian, inaasar namin ni Julia kasi it’s said na hindi marunong makipag-bonding with his co-stars.

“But it is not true naman pala. We always try to eat together kasi magkakatabi lang ang rooms namin, para may kasama kaming kumain. 

“Mahilig ako sa ketchup when I eat, kaso wala silang ketchup doon sa resort. It’s good may baon si Julia na isang bote ng ketchup at ako ang umubos. 

“Pinatikim ko sa kanila ang favorite kong sinigang with ketchup. Nawiwirduhan sila but I recommend it. I-try nyo, masarap siya. All in all, it’s a fun shoot, kasi lalabas ka lang ng kuwarto mo, the beach is there na, so parang nagbababakasyon lang kayo,” masayang kuwento pa ni Marco.

Mapapanood na ang “Bahay Na Pula” sa Vivamax simula sa Feb. 25.
https://bandera.inquirer.net/296384/ivana-never-naging-dyowa-si-marco-binigyan-ng-pag-asa-si-joshua-sakaling-manligaw
https://bandera.inquirer.net/289965/sharon-uminom-ng-totoong-tequila-sa-body-shot-scene-kasama-si-marco-pinagtawanan-lang-ni-kiko

https://bandera.inquirer.net/303202/paolo-pangarap-makagawa-ng-pelikula-kasama-ang-utol-na-si-marco-sobrang-excited-ako-na-makatrabaho-siya

Read more...