MULI na namang umariba ang aktres na si Angelica Panganiban sa pagpapaalala sa madlang pipol na maging matalino sa mga pipiliing kandidato sa darating na May 2022 elections.
Sa kanyang bagong labas na video in collaboration with Young Public Servants, isang youth organization, tinalakay ni Angelica ang mga diumano’y “scammers” na nag-take advantage ng kasalukuyang pandemya para “mambudol” ng mga tao.
“Nako! Alam n’yo, ang daming mapagsamantala ngayon, ano? Hoy teka lang. ‘Di naman ito tungkol sa pag-ibig, grabe kayo. Tapos na ako dyan. I’m so happy now.
“Mga sinungaling kasi, naglipana! I remember so many people, mga mare. Pandemya na nga, nanguha pa mangbudol ng kapwa!” umpisa ni Angelica.
Nabanggit rin niya ang mga taong gumagawa ng fake bookings sa mga delivery apps pati na rin ang mga online sellers na nang-i-scam ng kapwa.
Sey pa niya, okay lang sana kung barya barya lang ang halaga ng mga ito ngunit hindi. Nabanggit rin niya ang mga taong pinagkakitaan rin ang mga essential needs ngayon gaya ng mga gamot, face masks, pati ng oxygens.
‘MAG INGAT TAYO SA SCAMMERS, NAGLIPANA ‘YAN’
WATCH: Actress Angelica Panganiban is back again to remind the public to assess the candidates they will be voting for this coming May elections.
“‘Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.” she said. | 🎥 YPS pic.twitter.com/y097IIM59y
— Inquirer (@inquirerdotnet) February 11, 2022
Nabanggit rin nito ang face shields na minsang ni-require na gamitin ngunit binawi rin dahil hindi naman daw ito essentials. May mga medical studies kasi na nagsabing hindi naman daw ito nakakatulong sa pag-iwas sa COVID-19.
“Mga ate, kuya, buhay at kalusugan ang pinag-uusapan natin dito. Kawawa ‘yung mga totoong nangangailangan sa atin kaya ako, one strike, one rule lang talaga ako,” pagpaptuloy pa ni Angelica.
Sey pa niya, hindi na siya naniniwala sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon.
“Wala ako sa mga second chance, second chance, sa mga kembak kembak na ‘yan! Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.
“Kaya ngayong eleksyon, naku, mag-ingat tayo sa mga scammers. Naglipana ‘yan. Iwasan natin ‘yung mga nangangako ng gold, mambubudol ‘yan. ‘Wag na tayo magpauto at por diyos, por santo, ‘wag bumoto ng magnanakaw,” giit ni Angelica.
Wala namang kandidatong binanggit ang aktres bagkus ay isang paalala lang na maging matalino at mapagmatiyag sa mga kandidato na iluluklok sa pwesto sa darating na eleksyon.
Related Chika:
Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo
Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?