HUMINGI ng tawad si Rufa Mae Quinto sa madlang pipol matapos niyang mag-comment ng “sana all” sa isang post ukol sa pagpanaw ni Miss USA Cheslie Kryst.
Aniya, hindi naman niya sinasadya ang kanyang inappropriate comment at aminadong hindi niya nabasa nang buo ang caption ng post ng kami,com.ph, isang entertainment page.
Huli na nang i-delete ng actress-comedienne ang kanyang comment dahil marami na sa mga netizens ang nakapansin at nakapag-screenshot nito na agad na nag-viral sa social media.
“Sensya na po, my deepest sympathy to her family. Napakaganda at sexy kaya nasabi ko na sana all, ganyan ka-perfect. Nabilib kasi ako sa ganda at sexiness. Nabitin lang po sa text and yes ‘di ko nabasa buong caption, hanggang Miss USA lang po nakita ko. So yes, read more nga,” saad ni Rufa.
“Condolence po sa family. RIP,” dagdag pa niya.
Pumanaw noong nakaraang Linggo, January 30 si Cheslie na gumulat hindi lang sa kanyang pamilya at mga kaibigan pati na rin sa buong pageant world.
Ayon sa paunang report ay tumalon ang dalaga mula sa kanyang tinutuluyang high-rise condominium sa New York City. May nakita rin daw na suicide note sa kanyang computer.
Isa rin si Cheslie sa mga naging judge sa nagdaang 70th Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel noong December 13, 2021 kung saan nakasama niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Related Chika:
Miss USA 2019 Cheslie Kryst pumanaw na sa edad 30; Catriona, Pia, Marian nagluluksa
Miss USA 2019 Cheslie Kryst may ‘paramdam’ bago pumanaw, takot na takot sa edad na 30
Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…
Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…