Sharon, Robin nag-Facetime, netizens kinilig: Our ShaBin heart!
LABIS ang kilig ng madlang pipol matapos mag-post si Megastar Sharon Cuneta ng screenshot na kuha habang magka-Face Time sila ng aktor na si Robin Padilla.
“Napakasayang gabi sa taping kong may action at nakausap ko ang security blanket ko sa aksyon na eksena over FaceTime! Thank you my Kambal!” saad ni Sharon sa kanyang caption.
Dagdag pa nito, “Love you! See you soon Kambal, promise!”
Nagpasalamat rin si Megastar sa asawa ni Robin na si Mariel Padilla.
Hindi naman mapigil ng mga tagahanga ng dalawa na kiligin sa muling pagsasama ng dalawa kahit virtual lamang ito.
View this post on Instagram
“Sumisigaw ang ShaBin heart kooooo!!!!” comment ng isang netizen.
“Pakalmahin n’yo ako please,” saad pa ng isang netizen.
May mga netizens rin na nagre-request na sana ay magkaroon ulit ng project together sina Ate Shawie at Binoe.
“Petition na gumawa ng another movie ulit,” hiling ng kanilang tagahanga.
“Owemjiee our ShaBin heart! I love you both, Patty and Cocoy! Sequel na po mg Unexpectedly Yours please!” saad ng isang netizen.
Hirit naman ng isa pang fan, “Di Na Natuto part 2 with Mr. Coco Martin and Ms. Beautiful Julia Montes, Ma’am Sharon. Sigurado hit po iyan.”
Huling nagsama ang dalawa sa pelikulang “Unexpectedly Yours” kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Sa thanksgiving digital conference ng nasabing pelikula, inamin ng dalawa kung bakit nga ba hindi nauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan noon.
Kwento ni Sharon, ready na raw ang kanyang gown noon pagkatapos ay nabalitaan niya na may nabuntis si Robin.
“We were dead serious about getting married. We were very much in love. Parang nahanap ko na eh ‘yung eksakto sa kin. ‘Yun pala hindi. Circumstances, bata pa kasi kami. He’s a couple of years younger than I am. Medyo nag-so-sow pa siya ng wild oats niya. I had to hide from everybody how brokenhearted I was because I really loved him very much.
“But I also naman know that, among everybody who said they loved me, Robin really loved me naman to the stars and back. ‘Di lang natuloy because may mga pangyayaring hindi inaasahan.” saad ni Sharon.
Related Chika:
Robin sawang-sawa na sa kakaendorso ng politiko kaya tumakbo; nawalan ng trabaho dahil kay Duterte
Ipinatatayong bahay ni Sharon sa Silang, Cavite mala-hotel at shopping mall ang laki
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.