Francine Diaz pinansin ni Yoon Chan-Young ng ‘All Of Us Are Dead’: Ikamamatay ko to!!!

Francine Diaz pinansin ni Yoon Chan-Young ng 'All Of Us Are Dead': Ikamamatay ko to!!!

HINDI makapaniwala ang Kapamilya actress na si Francine Diaz matapos siyang mapansin ng Korean actor na si Yoon Chan-Young.

Masayang ibinahagi ng actress sa social media ang screenshot ng reply sa kanya ni Chan-Young na bumida sa hit Netflix series na “All Of Us Are Dead” bilang Lee Cheong-San.

“Ikamamatay ko ‘to! Cheong-san!!! Saranghae!” saad ni Francine sa kanyang Instagram story.

May tweet rin ang dalaga na sa Korean actor lang siya papayag na ma-seenzoned.

“Kay cheong san lang ako papayag ma seen zoned.”

Marami naman sa mga netizens ang nainggit sa pagkakapansin ni Chan-Young kay Francine.

“Walang arti-artista rito. Matuto po tayong pumila Chin,” comment ng netizen.

“Sana all. Paano maging Francine?” saad naman ng isa pa.

Kahit ang kaibigan niyang si Jayda Avanzado ay hindi nakapagpigil at napa-comment.

“Walang kaibi-kaibigan dito pagdating kay cheong san,” sey ni Jayda.

“Itutulak kita fron 4th floor to ground floor sinasabi ko sa ‘yo,” reply naman ni Francine sa kaibigan.

Nilinaw naman ng aktres na hindi siya minessage ng Korean actor bagkus ang pinost niya ay reply lamang nito.

Hindi naman na sinabi ni Francine kung ano ang kanyang naunang mensahe.

“Reply niya yan sa message ko haha. Hindi siya ang nag send ng dm sakin,” sagot niya sa tweet ng isang netizen.

Kamakailan lamang nang mag-18th birthday ang aktres at nagkaroon pa ng debut photoshoot na mala-dreamland ang tema na talagang nagpa-wow sa mga netizens.

Related Chika:
Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready
Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

 

Read more...