Vice Ganda tinakot si Ryan Bang: Galit na galit, pupunta rito ‘yung asawa

Vice Ganda tinakot si Ryan Bang: Galit na galit, pupunta rito 'yung asawa

PABIRONG tinakot ni Vice Ganda ang kanyang anak-anakan at co-host sa “It’s Showtime” na si Ryan Bang matapos itong mag-trending noong nagdaang weekend.

Sa opening ng kanilang noontime show noong Lunes, January 31, ay muling inusisa ni Vice kung kumusta na nga ba ang binata.

“Okay naman ako, Mommy. Syempre kasi naklaro na, e. Kasi labingdalawang taon, gusto ko siya kausap kaya lang nao-awkward kami. Hi, hello lang kami, hanggang dyan lang pero atleast ngayon okay na. Magaan na loob ko tapos klaro na. Tsaka ako rin mismo sa sarili ko, may natutunan rin ako,” sagot ni Ryan.

Kwento naman ni Vice, sobrang dami ang naka-relate at na-inspire sa kwento nina Ryan at Yeng.

Meron pa nga raw nag-message kay Unkabogable star na naiyak daw mismo habang pinapanood ang TikTok video ng dalawa.

Matatandaang nag-viral sina Yeng at Ryan matapos ang kanilang naging rebelasyon ukol sa “naudlot” na relasyon sa pagitan ng dalawa.

Nagsimula lang sa pabirong patutsada ni Yeng habang nagkokomento sa isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” ang lahat pero hindi nila inaakala na mauuwi sa seryosong usapan ang mga ganap.

Inamin kasi ni Ryan na nanligaw siya noong 2010 kay Yeng ngunit tumigil siya dahil sa pag-aakalang hindi siya nito gusto.

Kwento naman ni Yeng, hindi daw niya binasted ang binata at inakalang napagod na ito kakaantay kaya bigla na lang itong nawala.

Kaya naman sa mga nakalipas na taon ay awkward ang dalawa sa tuwing magkakasalubong o magkakasama dahil sa kanilang “almost relationship” na ngayon ay nabigyan na ng closure.

“Ang bait bait mo ni Yeng, no? Sabi ko nga sa kanya, ‘Ang generous mo, no? Yung okay ka lang na pag-usapan yan,” saad ni Vice.

Aniya, napag-usapan rin daw ito nina Yeng at ng asawa niyang si Yan Asuncion.

“Galit na galit. Pupunta daw dito ‘yung asawa. Okay lang daw ‘yung closure pero ‘yung nagbigay ka pa ng kape tapos nag-tweet ka pa na mag-dinner kayo, nagalit ‘yung asawa.

“Sabi nung asawa pupunta raw dito, may tatanong lang daw siya sa ‘yo,” pabirong pananakot ni Vice sa anak-anakan.

Related Chika:
Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!
Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Read more...