MULING nagbalik tanaw ang ina ni Xian Lim na si Mary Anne Lim sa journey ng Kapuso actor noong siya ay bata pa.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang throwback photo ng Kapuso actor noong nursery graduation nito.
Sa naturang larawan ay kitang-kita na agad na namumukod-tangi ang tangkad ni Xian.
Pagkukwento niya, noong 8 years old raw ang aktor ay ipinasok niya ito sa summer basketball.
“During competition, the coach approached me, ‘Ma’am some parents are complaining that Xian is too tall for his age group; their heads only reached Xian’s shoulder. His team always scored bec he didn’t have to jump to shoot. He only dunked.'” saad ni Mommy Mary Anne.
Okay lang naman sa mga magulang ang pagkakasali ni Xian ngunit mayroon daw talaga nagreklamo dahil tila intimidated sila sa presensya ng aktor.
Kaya naman agad niyang kinausap ang coach at sinabihan na dapat ay hindi na lamang pinayagan na sumali si Xian kung ganoon ang mangyayari.
“So the coach devised a ‘fun-only competition’ with Xian. Anyone absent would not be allowed to join the ‘for trophy’ competition.”
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nakasali si Xian sa laro.
“Years have passed and recently I received DMs from the nice parents, giving Xian their best regards. I asked about the boys with potential. They said no one made it to any league, because the boys didn’t grow much,” pagpapatuloy ng ina ng aktor.
Sa huli ay nagbigay ng advice si Mommy Mary Anne sa mga kapwa magulang .
“We should let our children enjoy their games bec interaction at that age is more important than scoring, & more because this is where they first learn the value of unity & friendship.”
Matatandaang nang umuwi si Xian mula sa US para mag-aral ng kolehiyo ay naging basketball scholar ito sa University of the East.
Noong 2018 ay natupad ang pangarap ng aktor na maglaro ng professional basketball nang maging parte ito ng Mandaluyong El Tigre Squad para sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
Related Chika:
Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye
Nanay ni Xian todo pasalamat kay Kim: Seeing him happy is more than what a mother could ask for