Neri Miranda nagpaka-fan girl kay Heart: Soooobrang ganda mo! Para kang Barbie!!!

Neri Miranda at Heart Evangelista

NAGPAKA-FAN girl ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda sa idol na idol niya pagdating sa pagiging fashion icon na si Heart Evangelista.

Hindi napigilan ng misis ni Chito Miranda ang sarili na maglabas ng tunay niyang nararamdaman para sa Kapuso actress nang makita ang mga bagong paandar na litrato nito sa social media.

Inamin ng tinaguriang wais na misis na talagang abangers siya lagi sa mga Instagram post ng misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero dahil bukod sa nakaka-good vibes daw ang mga ito ay nakaka-inspire rin sa mga tulad niyang working mommy.

Sa kanyang IG account, ni-repost ni Neri ang isang glam photo ni Heart at nilagyan ng caption na, “Ang ganda ganda ni Heart! Abang ako sa posts niya palagi lalo na ngayong Paris Fashion Week. 

“Kayo rin ba nakaabang? Mukha siyang Barbie!” ang papuri pa ng aktres kay Heart.
Aniya pa, “Eto yung type na type kong mga damit nya. Napaka elegante…Panay panood ko sa Instagram stories nya, hehe!” 


Nag-comment naman ang Kapuso star sa IG post ni Neri, “Woooow awwww so so sweet naman!”

Tuwang-tuwa siyempre si Neri na napansin ng Kapuso actress at style icon ang kanyang post kaya muli ay napakomento siya ng, “@iamhearte soooobrang ganda mo nakaka aliw ka! Para kang Barbie!!!”

Samantala, sa IG account naman ni Heart ay muli siyang nag-post ng kanyang super sosyal na photo na may caption na, “High-low mixing for Valentine’s (heart emoji).”

Aniya pa patungkol sa kanyang Valentine OOTD, “One styling trick that I learned from my stylist over the years is to mix high and low-end pieces to add some character to any look.

“For Valentine’s Day, I’m combining my jewelry from @royalgem.ph with different accessories to play around with my final look!” chika pa ng asawa ni Chiz.

Sa isa pa niyang post ay tila nagpahiwatig naman ang aktres tungkol sa bago niyang project. Ibinahagi niya sa mga netizens ang kanyang litrato na may hawak na unan.

“Lately, jet lag has been messing up my sleep pattern. But when I’m just at home, day to day pressures also make it a struggle for me to get enough sleep.

“I wanna ask you guys: What stops you from getting a good night’s sleep? Share them in the comments below so I can find a way to help you with this new role I’m about to take on #ComingZzzoon,” sabi pa ni Heart.

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

https://bandera.inquirer.net/296713/neri-may-nakakalokang-kuwento-nang-mag-dinner-date-sila-ng-asawa-haaaaaay-chito-classic-ka-talaga
https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny

Read more...