Cheslie Kryst
TILA may paramdam na si Miss USA 2019 Cheslie Kryst patungkol sa kanyang pagpanaw na may koneksyon nga sa pagtungtong niya sa edad na 30.
Tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng New York Police Department (NYPD) tungkol sa pagkamatay ni Cheslie Kryst nitong nagdaang Jan. 30, 2022.
Ayon sa paunang report, tumalon ang beauty queen mula sa isang high-rise condominium building sa New York na kanyang tinutuluyan. May ulat din na nakakita umano ng suicide note ang dalaga sa kanyang computer.
Na-shock ang pamilya, mga kaibigan at ang buong pageant world sa biglaang pagkawala ng 30-year-old lawyer dahil wala raw silang idea na may pinagdaraanan pala ito.
Ngunit sa isang feature article na isinulat niya para sa Allure na lumabas noong March 4, 2021 at may titulong “A Pageant Queens Reflects on Turning 30” ay tila may paramdam na ang beauty queen tungkol sa takot na nararamdaman niya pagsapit sa kanyang edad na 30.
Narito ang ilang bahagi ng isinulat ni Cheslie, “Each time I say, ‘I’m turning 30,’ I cringe a little. Sometimes I can successfully mask this uncomfortable response with excitement; other times, my enthusiasm feels hollow, like bad acting.
“Society has never been kind to those growing old, especially women. (Occasional exceptions are made for some of the rich and a few of the famous.)
“When I was crowned Miss USA 2019 at 28 years old, I was the oldest woman in history to win the title, a designation even the sparkling $200,000 pearl-and-diamond Mikimoto crown could barely brighten for some diehard pageant fans who immediately began to petition for the age limit to be lowered.
“A grinning, crinkly-eyed glance at my achievements thus far makes me giddy about laying the groundwork for more, but turning 30 feels like a cold reminder that I’m running out of time to matter in society’s eyes — and it’s infuriating.
“After a year like 2020, you would think we’d learned that growing old is a treasure and maturity is a gift not everyone gets to enjoy.
“Far too many of us allow ourselves to be measured by a standard that some sternly refuse to challenge and others simply acquiesce to because fitting in and going with the flow is easier than rowing against the current. I fought this fight before and it’s the battle I’m currently fighting with 30.
“How do I shake society’s unwavering norms when I’m facing the relentless tick of time? It’s the age-old question: What happens when “immovable” meets “unstoppable”?
“Now, I enter year 30 searching for joy and purpose on my own terms — and that feels like my own sweet victory,” paglalahad pa ng American beauty queen.
Sa mga hindi pa masyadong aware, sa larangan ng journalism, ang numerong “30” ay isang code word para sa katapusan o ending ng mga artikulong sinusulat ng mga writer.
At kung mapapansin, pumanaw si Cheslie sa edad na 30 at sa petsang Jan. 30.
https://bandera.inquirer.net/304435/miss-usa-2019-cheslie-kryst-pumanaw-na-sa-edad-30-catriona-pia-marian-nagluluksa
https://bandera.inquirer.net/281015/claire-dela-fuente-may-mga-paramdam-na-sa-anak-bago-mamaalam