Hugot ni Erich: Lahat po ng ginagawa natin mayroon po ‘yang balik | Bandera

Hugot ni Erich: Lahat po ng ginagawa natin mayroon po ‘yang balik

Ervin Santiago |February 01,2022
facebook
share this

Hugot ni Erich: Lahat po ng ginagawa natin mayroon po ‘yang balik

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 07:32 AM

Erich Gonzales

MARAMING realizations at life lessons na natutunan ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa kanyang teleserye na “La Vida Lena.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng “La Vida Lena” mula sa Dreamscape Entertainment, inisa-isa ni Erich ang mga aral sa buhay na babaunin daw niya habang siya’y nabubuhay.

Sa ginanap na virtual mediacon kahapon para sa finale week ng programa, ang isa raw sa natutunan niya ay ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagmamahal sa sarili para sa kapayapaan ng isip at puso.

“Importante po talaga is forgiveness. Nagsimula lahat sa pagmamahal, ang dami nang nangyari pero at the end of the day ‘yung realization po diyan for me is forgiveness talaga,” pahayag ng dalaga.

Bukod dito, nabanggit din niya ang pagpapakita ng kabaitan, pagmamahal at respeto sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.

“It’s a gift also that you give yourself na katulad nu’ng sinabi ko finally you have your peace and ‘yun lahat po ng ginagawa natin mayroon po ‘yang balik. 

“So katulad ng sinabi ni Ms. Agot (Isidro), importante na kung ano ‘yung tinatanim nating dito (sa puso) ‘yung din kasi ‘yung magpo-flourish.

“Might as well puro kabutihan na lang dapat. I know walang perpekto sa mundo pero di ba given the chance puro kabutihan na lang po sana. Not siguro for anyone but for yourself kasi ikaw din naman ang mahihirapan niyan eh if meron kang tinatanim na grudge or hatred,” paliwanag pa ni Erich.

Sa tanong kung anong mga katangian ng karakter niyang si Lena sa serye ang nais niyang tularan, “Yung pagiging positive, siguro bago naman nangyari ‘yung lahat ng trahedya sa buhay ni Lena, she’s very kind-hearted, she always sees the good in people. Talagang masasabi ko na selfless siya.

“And ‘yung negative lang naman siguro dahil sa lahat ng nangyari sa kanya kumbaga napuno siya ng hatred, kinain siya ng galit at poot to the point na nakakagawa na siya ng mga bagay na hindi niya naiisip na nakakasakit na pala siya hindi lang sa sarili niya kung ‘di sa mga tao sa paligid niya,” paliwanag pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)


Samantala, ano nga ba ang naghihintay kay Lena (Erich) ngayong buhay pa ang pinakatuso niyang kaaway – ang sariling ama niyang si Lukas (Raymond Bagatsing)? 

Tunghayan ang huling linggo ng paghahanap niya ng hustisya sa Kapamilya teleseryeng “La Vida Lena” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa pag-iimbestiga ni Lena kay Adrian (JC de Vera), nadiskubre niyang pineke lang ni Lukas ang pagkamatay nito bago pinamanahan si Lena ng isang kumpanyang lubog sa utang. 

Madadagdagan pa ang kalbaryo ni Lena ngayong nakumpirma niyang buhay pa nga si Lukas at nakipagsabwatan lang ito kay Adrian para tumakas ng bansa at maisalba ang kayamanan nito.

Bago pa nito, nagdesisyon na si Lena na isalba ang Royal Wellness at ang mga empleyado nito pagkatapos mapahamak ang buhay ng best friend niyang si Jordan (Carlo Aquino) dahil sa kumpanya.

Tuloy-tuloy naman ang paghihiganti ni Lena. Nakahanda na rin ang bitag niya para sa oportunistang si Miguel (Kit Thompson) dahil yayayain niya agad itong magpakasal sa kanya.

Napadapa na rin ni Lena si Vanessa (Agot) dahil nasira na ang iniingatan nitong mukha at ganda. Nag-boomerang kasi kay Vanessa ang kasamaan niya dahil mukha niya ang nabuhusan ng asido na dapat sana ay para kay Lena.

Ano kaya ang pinaplano ni Lena para kay Miguel, Adrian, at Lukas? Anong klaseng karma ang naghihintay sa mga kaaway niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang huling linggo ng “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Erich na-challenge sa lock-in taping, puring-puri sina JC at Carlo: Aura pa lang pampa-good vibes na

Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!

Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending