Dion Ignacio proud na ka-double ni Dingdong: Likod lang kita sa akin pero binuhos ko lahat ng effort ko lagpas 100%! | Bandera

Dion Ignacio proud na ka-double ni Dingdong: Likod lang kita sa akin pero binuhos ko lahat ng effort ko lagpas 100%!

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 07:36 AM

Dion Ignacio at Dingdong Dantes

IBINANDERA na kagabi ng GMA 7 ang identity ng “mystery actor” na naging ka-double ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa seryeng “I Can See You: AlterNate.”

At yan ay walang iba kundi si Dion Ignacio na talagang kinarir ang kilos at akting ni Dingdong para mas maging makatotohanan ang pagganap niya bilang “kakambal” ng award-winning actor.

Kuwento ni Dion, kung ano ang paghahandang ginawa ni Dong para sa mini-series na “I Can See You: AlterNate” ay iyon din ang kanyang ginawa bilang double.

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Dingdong kay Dion dahil napakalaki raw ng naitulong nito para magampanan din niya nang maayos at mas mapadali ang mga eksena niya bilang kambal na sina Nate at Michael.

Wala ring issue kay Dion kung hindi nakita ng mga manonood ang mukha niya sa “AlterNate” dahil itinuturing din niya itong challenging job lalo pa’t si Dingdong pa ang nakatrabaho niya na isa sa mga iniidolo niya sa showbiz.

“Sa akin okay naman, proud nga ako e, kasi nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Kuya Dingdong dahil dito sa I Can See You: AlterNate kasi kung may bucket list ako, isa sa list ko ‘yung makatrabaho ko si Kuya Dingdong kasi talagang idol na idol ko siya noon pa man,” pahayag ni Dion sa panayam ng GMA Network.

View this post on Instagram

A post shared by Dion Ignacio (@dion_ignacio)


Kuwento pa ni Dion, talagang inaral at kinabisado niya pareho ang mga dialogue ng dalawang karakter ni Dingdong para mas maging makatotohanan ang batuhan nila ng linya.

Pahayag ng aktor, “First time kong kabisaduhin ‘yung linya rin ng ka-eksena ko, gano’n din naman si Kuya Dong. Ang hahaba ng dialogue ni Nate saka ni Michael kapag nag-uusap. Kailangan kabisado mo lahat ‘yun kasi magpapalit kayo.

“Kahit hindi ako makita kasi ang goal ko masuportahan ‘yung artista na kaeksena ko, si Beauty Gonzalez saka si Kuya Dingdong para maganda ‘yung reaksyon nila, maging natural.

“Kung kailangang umiyak ni Nate doon sa eksena, talagang iiyak ako. Talagang ipaparamdam ko ‘yung totoong acting, talagang may karga din po ako,” lahad ng Kapuso actor.

Dagdag pang chika ni Dion, “Likod lang ‘yung kita sa akin pero, sa harap, talagang binuhos ko lahat ng effort ko lagpas 100 percent.”

Inatake rin daw siya ng matinding nerbiyos sa kanyang kauna-unahang stand-in dual role, “Buti na lang na-guide kami ni Direk (Dominic Zapata) at ni Kuya Dingdong. Maalaga si Kuya Dingdong sa set e, parang nagkaroon ako ng kuya sa set. Sabi ko nga sa kanya, sana sa next teleserye natin magkasama na tayo, ‘yung makikita na ‘ko,” sey pa ni Dion sa nasabing interview.

Kaya tutukan ang pasabog na huling linggo ng “I Can See You: AlterNate” sa GMA Telebabad, 8:50 p.m., kung saan kasama pa rin sina Beauty Gonzalez, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco at Joyce Ching.
https://bandera.inquirer.net/302210/dingdong-naka-survive-sa-1-buwang-lock-in-taping-dahil-sa-pa-lafang-ni-marian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302525/dingdong-pinahirapan-nang-bonggang-bongga-sa-alternate-hindi-lang-sa-trabaho-pero-sa-buhay-in-general

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending