Angeline Quinto hindi binalak itago ang pagbubuntis: Naghanap lang ako ng tamang timing

Angeline Quinto hindi binalak itago ang pagbubuntis: Naghanap lang ako ng tamang timing
PROUD na ibinahagi ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang baby bump sa social media at nagbigay rin ito ng update sa kanyang pregnancy journey.

Sa kanyang lastest YouTube vlog ay sinagot niya ang ilang tanong ng mga netizens ukol sa kanyang pagbubuntis.

Amin niya, maraming naging pagbabago sa kanya simula nang siya’y magbuntis. Naging antukin rin si Angeline at moody.

“Nagugulat rin ako sa sarili ko… Nawiwirduhan rin ako. Parang siguro kapg ganyan pag buntis. Hindi mo naiintindihan ‘yung mood mo,” saad niya.

Sa aspeto naman ng paglilihi, wala raw pinipiling oras ang kanyang paglilihi at ang paborito niyang kainin ay balut at penoy.

Hindi rin basta basta tipikal na penoy ang gusto niya dahil bet niya ang mala-taho at malambot na penoy.

Naibahagi rin ni Angeline na may kwarto na ang kanyang magiging baby ngunit dahil sa dami pa ng kanyang inaasikaso ay hindi pa niya maipakita sa madlang pipol pero ipinangako naman niya na ipapasilip niya ito sa kanyang supporters.

Nang tanungin naman siya ukol sa naging reaksyon ng kanyang malalapit na kaibigan ay may nakakatawang istorya si Angge.

Aniya, noong nagre-rehearsal sila para sa kanyang concert na “10 Q” ay hindi raw naniniwala sina Yeng Constantino, KZ Tandingan, at Kyla sa kanyang pagbubuntis.

“Kinakausap sila ng naging writer namin sa concert ko… ‘Dito sa episode na ‘to na about friendship, dito natin mapapakita sa mga tao kung ano ang genderng magiging baby ni Angge’ tapos sila KZ daw sabi ‘luh! Sabi buntis. Prank ‘yan! Prank ‘yan kapag si Ate Angge!’ Walang naniniwala sa kanila kaya tawang tawa ako,” kuwento ni Angeline.

Hanggang sa noong naging seryoso na siya ay doon lang sila naniwala at sobrang naging emotional sila sa bagong chapter ng buhay ng kaibigan.

Ilan pa sa mga unang sinabihan niya ay sina Regine Velasquez at Vice Ganda.

Nilinaw rin niya na hindi pumasok sa isip niya na ilihim sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

“Ang unang medyo nag-alala ako ay kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko, sa mga katrabaho ko pero ‘yung pagsasabi sa public parang hindi ko naman naisip na huwag sabihin. Actually, excited ako talaga na malaman ninyo na buntis ako,” pagtatapat ni Angeline.

Halos naging sunod-sunod kasi ang kanyany trabaho noong mga unang buwan ng kanyang pagbubuntis kaya nag-iingat lamang siya na huwag lumaki ang tyan para magawa ang kanyang mga trabaho.

“Nung time na ‘yun, ayoko muna na biglang lumaki kasi may kasabihan tayo na naririnig na kapag marami na ang nakakaalam ng pagbubuntis mo, ang bilis bilis lumaki ng tyan mo.

“Naghanap lang ako ng tamang time. Naghanap ako ng tamang tyempo at pagkakataon na masabi ko sa inyo ang pagbubuntis ko,” pagpapatuloy ni Angeline.

Sinagot rin niya ang tanong kung handa na ba siyang isiwalat sa publiko kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

“Darating rin naman tayo dyan. Sa ngayon, ang hihingin ko lang sa inyo ay ibigay n’yo muna sa akin ang moment na ito habang pinagbubuntis ko ‘yung magiging ko,” sey ni Angeline.

Marahil ay nais muna niyang i-enjoy ang oras nila bilang bagong pamilya dahil natatakot siya na baka hindi niya masubaybayan ang paglaki ng anak.

“Maniwala kayo sa akin. Hinding-hindi ko naman ‘yun ipagdadamot sa inyo dahil katulad ng sinasabi ko madalas, lahat naman ng mga espesyal na nangyayari sa akin, espesyal na mga tao sa buhay ko, talagang ipapakilala at ipapakita ko sa inyo.”

Related Chika:
Angeline nag-post ukol sa pinakamagandang ‘positive’ sa kanyang buhay
Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Read more...