MARAMI ang humanga sa aktres at dancer na si Yassi Pressman dahil walang kaarye arte itong namili sa palengke sa Pilar, Bohol.
Agad namang pinagkaguluhan ang aktres ng mga market vendors pati na rin ng mga mamimili.
Sa video na in-upload niya sa kanyang Instagram account ay makikita mong aliw na aliw ang aktres sa pamimili ng mga hipon sa palengke.
“YEHEY!!! Nakapamalengke na ulit after so looooooong! Ang saya saya!!” saad ni Yassi.
“Love you mga boholanons!!” dagdag pa niya.
Bukod sa pamimili ng hipon ay namili rin ang aktres ng mga gulay at isda. Nagpakitang gilas rin ito sa pagtatanggal ng kaliskis ng isda.
Bukod rito ay nagpamahagi rin si Yassi ng t-shirt sa mga nasa palengke.
Nagpasalamat rin naman ang mga taga-Pilar, Bohol sa pagpapasaya at pakikipagkulitan sa kanila ng aktres.
Labis naman ang pagsuporta at paghanga na natanggap ni Yassi mula sa madlang pipol.
“I love Yassi! Isasiya sa mga pinakasimpleng artista like Andi and Nadine,” comment ng isang netizen.
“Beautiful person inside and out,” saad naman ng isa pa.
“Ang hirap mo kasabay mamalenke Idol.. sisikip pang lalo hahaha,” biro naman ng isang netizen.
Hirit pa ng isang netizen, “Yaaas!! Yassi walang arte, she’s humble and she’s so kind. Such a beautiful woman inside and out. Mabuhay ka.”
“Sarap ng mga hipon na yan. ganda ng namimili happy for you at nakapamalengke ka na , galing mo pang mgkaliskis ng isda, napaka down to earth mo talaga,” sey pa ng isa.
Related Chika:
Pacquiao namakyaw ng mga paninda sa Guadalupe Market; netizens iba-iba ang reaksyon
Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?
Nadine, Liza, Yassi nagtayo ng sariling kumpanya: It’s a platform for mental health