INULAN ng mga katanungan mula sa mga netizens ang aktres na si Bea Alonzo matapos siyang mag-post ng “Ask Away” post sa kanyang Instagram stories.
May mga ilang tanong ukol sa kanyang personal na buhay at update sa kanyang career and love life, mayroon ring mga humingi ng payo sa dalaga.
Isang netizen ang nagtanong kay Bea kung ano ang maipapayo niya sa mga taong may kasalukuyang pinagdadaanan.
Sagot ng aktres, “Kaya mo ‘yan. It’ll all get better. Just have faith. It might not be easy now, but I promise you, one day, you will look back, and you will make yourself proud that you were able to overcome all the obstacles. There’s always a rainbow after the rain.”
Isang netizen naman ang nagtanong kung mayroon bang financial advice si Bea.
“Never live beyond your means. I mean, it’s good to reward yourself once in a while but I think that the necessities should be a priority,” sey niya.
Ani Bea, dapat daw matutong mag-ipon kung sakaling bigla itong kailanganin.
“Always save money got the rainy days. Invest wisely. Luxury will always be there, and it will feel way better to enjoy it without having to worry about your next credit card bill,” dagdag pa ng aktres.
Samantala, usap-usapan naman kung si Bea nga ba ang gaganap sa Philippine adaptation ng KDrama series na “Start Up”.
May mga chika kasi na silang dalawa ng Kapuso hearthrob na si Alden Richards ang magiging bida sa nasabing adaptation.
Speaking of tambalang Bea-Alden, sa ngayon ay abala ang dalaga sa pagphahanda sa unang pagtatambal nila ng aktor sa isang pelikula.
Related Chika:
Mama Loi napa-‘Whaaaat?!’ sa talent fee ni Bea Alonzo
Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad