Edu, Nikki, Jim hindi rin natuwa sa interview ni Boy kay VP Leni: Let Ma’am speak please!

Edu Manzano, Nikki Valdez at Boy Abunda

NABABASA kaya ni Boy Abunda ang pagpuna at pambabatikos sa kanya ng netizens at ilang celebrities dahil sa istilo ng panayam niya kay Vice President Leni Robredo?

Hindi kasi nagustuhan ng mga ito ang naging takbo ng interview ng veteran TV host sa “The 2022 Presidential One-On-One Interviews” na mapapanood sa kanyang “The Boy Abunda Talk Channel” sa YouTube. 

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay humamig na ito ng 3.7 million views.

Sa totoo lang sobrang ingay ng social media pagkatapos ng panayam at ngayong araw nga ay  wala yata kaming nabasa kundi tilad-tiladin si kuya Boy.

At nasulat nga ngayong araw dito sa BANDERA ang aktres na si Rita Avila na pinuna si kuya Boy at ang ending siya naman ang binalikan na pati ang pagiging “ST” (sex trip) queen niya noong kainitan ng sexy movies noon sa Seiko Films (1987).

Anyway, hindi lang naman si Rita ang pumuna kundi napakaraming celebrities ang nag-react at nagbigay ng kani-kanilang opinyon, considering na kasamahan nila si kuya Boy sa showbiz.

Nabasa namin ang tweet ng aktres na si Nikki Valdez na sana raw ay hinayaan ng King of Talk na makapag-explain mabuti si VP Leni.

Tweet ng aktres, “Ang dami gusto sabihin ni VP… Hindi siya natatapos!!! Tito Boy, patapusin niyo naman… Let Ma’am speak please!!!

“Sa FACTS lang tayo!!!! Yan ang Presidente ko! Babae PERO matapang at alam ang sinasabi!!! #LENIAngatSaLahat.

“A Mother. Woman of Faith. Ready to listen. Ikaw lang talaga #LENIAngatSaLahat !!!” sabi pa ni Nikki.

Ang isa miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes ay napansin ding ini-interrupt ni kuya Boy si VP Leni kapag sumasagot na.

“LENI was great. Boy Abunda was wanting. Always interrupting. Too soft kay Bleng2, practically feeding him,” sabi ng singer at composer.

Hirit naman ni Gabe Mercado sa tweet niya, “For the times I have interrupted women while speaking, I apologize. Seeing Boy Abunda’s interview tonight was my magic mirror moment in realizing how offensive and infuriating mansplaining is. Let’s do better, men. You too, Boy.

“For the record, I do not think Boy Abunda was biased at all against the VP. I do think he was biased for taking the spotlight and hearing himself. That’s what male privilege is about. Men interrupting and feeling entitled to the spotlight at the expense of women,” dagdag niya.

Tweet naman ng aktor na si Edu Manzano, “Leni deserves a lot more credit… Good job!”

At dahil dito ay naging isa sa top trending topic si kuya Boy sa panayam niya kay VP Leni pati na ang mga hashtag na #LetLeniSpeak at #AbundaBiased.

Ang #LeniAngatSaLahat ang nag-number one hashtag worldwide sa Twitter na umabot sa 166,000 tweets habang nakasalang si VP Leni s one-on-one interview ni Boy Abunda.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni kuya Boy.

https://bandera.inquirer.net/296871/magkaiba-si-vp-leni-at-bongbong-marcos

https://bandera.inquirer.net/296911/vp-leni-natuwa-sa-pagbisita-sa-tarlac-pnoy-may-be-gone-now-but-josh-being-there-really-meant-a-lot
https://bandera.inquirer.net/294864/netizens-excited-na-sa-eheads-reunion-matapos-ibandera-ni-vp-leni-ang-pagtakbo-sa-2022

Read more...