SB19 inialay ang bagong achievement sa A’TINs: Sila talaga ang dahilan ng aming tagumpay!

SB19

MULING inialay ng super P-pop group na SB19 ang latest achievement na kanilang natanggap nitong nagdaang linggo.

Hinding-hindi raw nila maaabot ang lahat ng tagumpay na tinatamasa nila ngayon kundi dahil sa lahat ng fans na sumusuporta at patuloy na nagtitiwala sa kanila.

Gumawa na naman sila ng bagong record matapos tanghalin ang kanilang hit song na “Bazinga” bilang “longest-staying track at No. 1 in BillBoard’s Hot Trending Songs chart.”

“Sila talaga ang reason behind all of our success,” ang bahagi ng pasasalamat ng grupo sa kanilang mga fans at social media followers na mula noon hanggang ngayon ay hindi bumibitiw ng pagsuporta sa kanila.

“We wouldn’t be able to arrive at this milestone if not for our fans, A’TIN,” ang dagdag pang mensahe ng SB19 sa lahat ng kanilang fans all over the world.

Ayon sa Billboard, ang Hot Trending Songs chart ay ang “weekly recap of the most discussed songs on Twitter globally.” At last week nga ay ang SB19 ang naghari sa charts kung saan naungusan nila ang sikat na sikat na Korean boy group na BTS.

“It’s already an honor na mapabilang doon sa charts along with artists that we look up to. We came out first in the chart for 7 weeks but for us, it doesn’t mean we beat all of them. 

“It just means how much our fans love us and how eager they are to bring us to new heights,” ang pahayag pa ng SB19.

“We know that we don’t have the biggest fandom and we acknowledge that we still have a lot to improve and develop. 

“But with this mindset plus the people who love us so much, we think anything’s possible. Thank you, A’TIN. We love you all so much,” ayon pa sa official statement ng grupo sa latest achievement na kanilang natanggap.

https://bandera.inquirer.net/283905/sb19-todo-pasalamat-sa-atins-sila-ang-susi-sa-tagumpay-namin

https://bandera.inquirer.net/286656/sb19-benben-may-sorpresa-sa-atins-at-team-liwanag-trending-na-naman-sa-socmed
https://bandera.inquirer.net/285241/nakakatuwa-na-kahit-ibang-lahi-pinipilit-nilang-intindihin-ang-salita-at-kultura-natin

Read more...