Diego pumayag magpakita ng pwet sa bagong movie; walang reaksyon sa mga intriga sa kanila ni Barbie Bandera

Diego pumayag magpakita ng pwet sa bagong movie; walang reaksyon sa mga intriga sa kanila ni Barbie

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Diego pumayag magpakita ng pwet sa bagong movie; walang reaksyon sa mga intriga sa kanila ni Barbie

Ervin Santiago January 23, 2022 - 05:58 PM

Barbie Imperial, Diego Loyzaga at Louise delos Reyes

SA kauna-unahang pagkakataon ay pumayag ang aktor na si Diego Loyzaga na magpakita ng hubad na katawa sa bago niyang pelikula sa Viva Films.

Yes, talagang nakipagsabayan na sa hubaran si Diego sa mga matatapang na sexy actor ng Viva Artists Agency na walang kaarte-arteng nagpapakita ng kanilang pagkalalaki sa harap ng mga camera.

Sa upcoming Vivamax original movie na “The Wife” game na game na nagpakita ng kanyang pwet si Diego. Ang baguhang sexy star na si Cara Gonzales ang kasama ng aktor sa nasabing eksena.

Ayon kay Diego, malaki ang tiwala at respeto niya sa direktor nilang si Denise O’Hara sa “The Wife” kung saan makakasama rin nila si Louise delos Reyes. 

Aniya kahit babae raw ang kanilang direktor napapayag siyang gawin ang maselang eksena dahil naniniwala siya sa materyal at feeling niya kailangan niyang magpakapropesyonal sa kanyang trabaho.


Samantala, hindi na rin nailang si Diego sa mga eksena nila ni Louise sa “The Wife” dahil nagkatrabaho na sila sa Pinoy version ng Korean drama series na “Encounter” na ipinalabas sa TV5 noong 2021.

“Nagkasama kami sa Encounter pero I was happy to finally have a scene with her because in Encounter, hindi nga kami nagkaeksena masyado.

“If ever, very minimal lang and she’s a great actress. Ang galing niya talaga,” ang papuri ni Diego kay Louise.

Excited na si Diego na mapanood ng Vivamax subscribers ang “The Wife” dahil bukod sa maraming makaka-relate sa sitwasyon nila ni Louise sa kuwento bilang mag-asawa. 

Magkakaroon siya ng kabit dito pero mas mate-test ang pagmamahal nila sa isa’t isa nang tamaan ng cancer ang karakter ni d
Diego.

“I’ve never played a role like this before, so it’s definitely a different level of heaviness. Heavy drama. Every script is different from every other script that you’ve done in the past.

“Different situations, different scenes, different circumstances that happened in the script. Ang ganda ng message,” sey pa ng hunk actor.

Sabi pa niya tungkol sa mabibigat na eksena niya sa movie, “You have to make pagpag after every scene, because it’s hard to take that home with you. Every single scene I had with Louise and Cara was challenging “We had a few love scenes, but we dealt with every scene professionally.

“I was initially intimidated on the set. But we discussed the scenes very well. We decided what are needed to be done, what needs to be taken out. I was happy with that. What is important is we get our characters across to the audience,” pag-amin pa ni Diego.

Saksihan kung happy o tragic ending ang naghihintay sa kwento ng “The Wife” na mapapanood na sa Vivamax simula sa Feb. 11, 2022.

Anyway, wala pa ring inilalabas na official statement si Diego kung totoo o fake news lang ang mga chika na naghiwalay na raw sila ni Barbie Imperial.

Geneva pumayag makipag-bed scene sa teleserye, todo explain sa anak: That’s acting, baby!

AJ Raval mas gustong mag-aksyon kesa magpakita ng katawan: Siyempre idol ko ang tatay ko!

Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending