Heart nag-share ng tips sa pagbili ng branded bags, wais na investment: It's even better than gold! Bandera

Heart nag-share ng tips sa pagbili ng branded bags, wais na investment: It’s even better than gold!

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Heart nag-share ng tips sa pagbili ng branded bags, wais na investment: It’s even better than gold!

Ervin Santiago January 23, 2022 - 07:57 AM

Heart Evangelista

NAG-VIRAL talaga sa social media ang video clip kung saan pinagsabihan ni Chiz Escudero ang asawang si Heart Evangelista sa pagbili ng mga designer bags.

Aliw na aliw ang mga netizens sa nakakalokang conversation ng celebrity couple tungkol sa pagbili ng Kapuso actress ng mga branded na bags.

Ibinahagi ng Kapuso fashion icon ang video nila ng Sorsogon governor sa Instagram, kung saan rumampa muna with her OOTD: sleeveless white turtleneck top, sleek faux leather pants at asul na high-cut Nike sneakers.

Habang nagpa-fashion show si Heart, biglang umentra si Chiz at nagtanong tungkol sa ilaw ng kanyang dressing room hanggang sa mapansin nga ng gobernador ang mga designer bags sa isang corner.

“Dumami na naman ‘yang bag mo,” ang malumanay na comment ni Chiz. Bigla namang nagpakainosente si Heart sabay dialogue ng, “Hindi ah.”

Hirit uli sa kanya ni Chiz, “Darling, tigil-tigilan na ‘yan. Aalis ka. Bawas-bawasan. Makakabili ka lang kung nagbenta ka.”

Ang caption naman na inilagay ni Heart sa kanilang video, “I am only allowed to buy another bag if I upgrade (sell old ones that don’t give me that spark anymore).” Dagdag pa niya, “He means well.”

Kasunod nito, nag-post din si Heart ng TikTok video kung saan nag-share ng ilang tips sa pagpili at pagbili ng designer bags.

Sinagot niya ang isang TikTok user na nagtanong ng, “Best luxury bags for first-time buyers?”
Sagot ng aktres, “Honestly, I feel like, for me, it would be a Birkin bag, an Hermès.”

Inalala rin ni Heart ang araw nang regaluhan siya ng kanyang tatay ng isang Birkin bag noon kanyang early 20s at nagulat na lang daw siya nang biglang magtriple ang presyo nito ngayon.

“Dad bought me a bag probably when I was 21 and it tripled in price. 

“When you buy a bag or something luxurious you want to make sure it’s an investment and I can definitely say a Birkin is an investment.

“Of course, at that time I didn’t know that and I still bought a lot of other stuff.

“But eventually, I realized Birkins are really an investment, it’s even better than gold,” pahayag pa ng lead star ng Kapuso primetime series na “I Left My Heart In Sorsogon.”


Dagdag pa ni Heart, “A Kelly bag is similar to Birkins — they also go very high.

“I would say Chanel is also trying to do the same thing and putting up their prices and making it more exclusive,” paalala pa niya sa mga nagbabalak ding mag-invest sa mamahaling bags.

May dagdag pa siyang payo sa mga luxury bag lovers, “When it comes to luxury make sure you’re smart about it and it’s an investment.

“You gotta be smart with your hard-earned money. So if you really want something in life…you need to wait and save,” aniya pa.

Yassi umaapaw ang blessings; masaya at nag-eenjoy sa business at investments

Iya hinding-hindi bibili ng mamahaling bag: Sayang ang pera!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending