The Voice 2 finalist Rita Martinez walang balak magpatanggal ng boobs: Just to be clear, I respect Jake Zyrus | Bandera

The Voice 2 finalist Rita Martinez walang balak magpatanggal ng boobs: Just to be clear, I respect Jake Zyrus

Ervin Santiago |January 20,2022
facebook
share this

The Voice 2 finalist Rita Martinez walang balak magpatanggal ng boobs: Just to be clear, I respect Jake Zyrus

Ervin Santiago - January 20, 2022 - 06:46 AM

Rita Martinez at Rhen Escano

WALANG balak ang singer at proud LGBTQIA+ member na si Rita Martinez na magpatanggal ng dibdib tulad ng ginawa ni Jake Zyrus na isa na ngayong transman.

Ayon kay Rita na isang lesbian at “The Voice Philippines Season 2” finalist, kuntento na raw siya kung anong itsura niya ngayon.

Sa ngayon, hindi pumapasok sa isip niya ang sumailalim sa breast removal surgery at magpaturok ng testosterone hormones para magmukhang lalaki at magkaroon ng boses na panlalaki tulad ng ginawa ni Jake.

“Just to be clear, I respect the people like Jake Zyrus. Nirerespeto ko yung kanilang naging desisyon na gawin yun. I guess, mas masaya sila, nahanap nila talaga yung happiness.

“Very happy naman po ako sa aking biological stand. Yun lang naman po talaga, it’s my only preference, but I’m not really changing anything in my body,” pahayag ni Rita sa virtual presscon ng digital series niyang “Lulu” mula sa Vivamax kasama si Rhen Escano at sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Ito’y sa kabila nga ng nararanasan niyang diskriminasyon at panlalait mula sa ibang tao nang dahil sa kanyang sexual orientation, tulad na lang sa paggamit ng mga ladies’ comfort room.

“From my experience, when I entered the restroom, parang nagulat yung nanay, kasi kasama niya yung anak niya, naghuhugas sila ng kamay sa sink.

“Pagpasok ko, nagulat siya. Akala niya, lalaki ako. Nag-sorry ako. Siguro naano niya sa boses ko na, ‘A, hindi pala siya lalaki.’

“Pero merong tingin na bigla niyang binilisan yung paghuhugas ng kamay ng anak niya. Parang siguro, inaano niya sa anak niya na, ‘O, huwag mong tingnan, baka matularan mo o something.’ Parang ganoon yung dating sa akin. Na-experience ko po yun.

“Hindi ko lang alam sa iba kung merong time na talagang pinalabas sila ng restroom, pero nangyayari po yun dahil nangyari sa akin. May tingin na ‘bakit ka nandito’ or something,” lahad pa ni Rita.

View this post on Instagram

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


Samantala, isang kakaibang girl romance nga ang matutunghayan sa original Vivamax series na “Lulu” na mapapanood na simula sa Jan. 23. Dito makikilala ang unang pagsasama ng sexy actress na si Rhen Escaño bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez.

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie (Rhen). Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. 

Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.  Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta.

Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.  Ngunit nang dumating si Abi (Rita) sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama.    

Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band.  Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.  

Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano.  Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t isa.  

Ang “Lulu” ay may walong episodes na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax. Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.  

Sa isang panayam, ibinahagi ni direk Sigrid Andrea Bernardo na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng “Lulu”. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.  

Ayon kay direk, ang “Lulu” ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pagdating sa lesbian love stories, “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary.  And it will come naturally. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang everyday life ng lesbian community,” aniya pa. 

Rhen Escano posible bang ma-in love sa lesbian partner niya sa GL series na ‘Lulu’?

Jake Zyrus: Kung akala ng iba joke lang ang pagiging transman ko, it’s not!

Rhen Escaño, Rita Martinez ibubuking ang relasyon ng mga lesbian lovers sa ‘Lulu’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending