Ogie Alcasid: Kailangan na nating kumilos, napakarami na pong problema ng Pilipinas

Ogie Alcasid: Kailangan na nating kumilos, napakarami na pong problema ng Pilipinas

VIRAL ngayon ang video ng singer-actor na si Ogie Alcasid ukol sa kanyang pagsuporta sa presidential aspirant at kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo.

Base sa video mula sa 1Sambayan, para sa singer at kasalukuyang host ng “It’s Showtime” ay si Leni ang pinakatapat at responsableng presidential candidate ngayong 2022 elections.

“Naniniwala ako na si Leni ang pinakamahusay, tapat, responsable, isa siyang doer, collaborative, nakikinig siya.

“Makikita n’yo naman na may malasakit diya. Naniniwala akong siya ang pinakamagaling na lider sa ating bansa,” saad ni Ogie.

Nanawagan rin ang actor-singer na kinakailangan ngayon ni VP Leni ng tulong at hinikayat ang mga taga-suporta ni Leni na iwasan ang pakikipag-away sa mga taong sumusuporya sa ibang tao.

Sinabi rin nito na dapat raw ay magtulungan ang bawat isa para mas makita ng iba pang botante ang magagandang katangian ni VP Leni.

 


“Tayo ang kanyang makinarya. Kaya nandito ako, nag-volunteer, handang tumulong. Hindi para makipag-away kundi makipagpulong sa mga hindi pa kumbinsido kay Leni.

“Hikayatin natin sila na makita ang kanyang magagandang qualities,” dagdag pa ni Ogie.

Sa katunayan ay may isinulat pa si Ogie na kanta para sa bise presidente sa tulong ng mga kaibigang sina Alvi Siongco at si Gino Cruz.

Hirit pa ni Ogie, “Kailangan na nating kumilos, napakadami na pong problema ng Pilipinas. Kung saka-sakaling si Leni ay manalo at pagpalain ng Panginoon ay hindi lag dapat doon nagtatapos ang tulong natin sa kanya. Kailangan tulungan pa rin natin siya habang siya ay namumuno.

Hindi lang si Ogie Alcasid ang artistang nagpakita ng suporta para kay VP Leni.

Sa katunayan ay nagpaabot na rin ng pagsuporta ang asawa nitong si Regine Velasquez pati na rin sina Kris Aquino, Angel Locsin, Agot Isidro, Liza Soberano, Ogie Diaz, Vice Ganda, Jake Ejercito, Nadine Lustre, at marami pang iba.

Related Chika:
Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo
Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

 

Read more...