SINAGOT ng aktres na si Alexa Ilacad ang comment ng isang netizen patungkol sa kanila ng kapwa “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Anji Salvacion.
Sa kanyang Kumu live ay may isang manonood na nagtanong kung okay ba sila ng batang singer.
“May nagtanong kung okay kami ni Anji. Yes, of course. Bakit naman hindi magiging okay?” saad ni Alexa.
Dagdag pa niya, noong nagkita raw sila para sa isang prod number sa variety show na “ASAP Natin ‘To” ay binigyan pa niya ang dalaga ng regalo.
Kaya daw hindi niya maintindihan kung bakit nag-aaway away ang mga fandom gayong okay naman sila.
“I don’t understand why you guys are foghting. Okay naman kami ni Anji, we’re good,” sey ni Alexa.
Marahil ay curious lang ang mga netizens dahil sa naibahagi ni Anji sa kanyang interview na tila hindi sila okay ng kapwa housemate at kaibigang si KD Estrada.
Bago pa kasi sila pumasok sa Bahay ni Kuya ay magkakilala na sila Anji at KD at tila mayroon rin silang “espesyal na pagtitinginan” noon.
Ngunit nang pumasok sila sa “PBB” ay nilinaw ni Anji na hanggang friends lang muna sila ni KD sa ngayon kaya naman tinanggap na lang ito ng binata at nanatiling naging mabuting magkaibigan sila sa loob ng PBB house.
Ngunit sa paglabas nila ay tila naramdaman ni Anji na hindi sila okay ni KD.
Samantala, mas nagiging close naman sina Alexa at KD sa isa’t isa lalo na nang makalabas na sila finally sa outside world.
Sa sobrang close nga nila ay larawan nilang dalawa ang wallpaper ng binata sa kanyang cellphone.
Kung may kinalaman man rito ang naging tanong ng netizen kay Alexa ay may chance pero si Alexa na mismo ang nagkumpirma na okay sila at nawa’y tigilan na ng kanilang supporters ang pag-aaway at maging happy na lang dahil magkakaibigan naman ang kanilang mga iniidolo.
Related Chika:
Anji Salvacion ‘nag-sorry’ sa madlang pipol matapos tanghaling Top 2 sa ‘PBB’ season 10
Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan