'Ang naging sukatan ng beauty noon ay ang kagandahan ni Sharon Cuneta!' Bandera

‘Ang naging sukatan ng beauty noon ay ang kagandahan ni Sharon Cuneta!’

Reggee Bonoan |January 18,2022
share this

‘Ang naging sukatan ng beauty noon ay ang kagandahan ni Sharon Cuneta!’

Reggee Bonoan January 18, 2022 - 03:42 PM

Sharon Cuneta at KC Concepcion

ANG daming humanga kay Sharon Cuneta sa throwback picture na ipinost niya sa Instagram ngayong araw kung saan karga niya ang baby pa noong anak na si Kristina Cassandra Concepcion o KC.

Kami rin ay nagulat dahil neneng-nene pa at ang nipis pa ng katawan ng Megastar noon — oo nga pala 19 years old lang pala siya nang maging nanay.

Naaliw kaming basahin ang mga komento ng followers ni Sharon dahil ang beauty pala niya ang pamantayan noon ng mga kaedaran niya.

Base sa kuwento ni @abelle_23, “Share ko lang: When I was in high school ang naging sukatan ng beauty noon ay beauty ni Sharon. Kapag may bagong transferee sa aming school ganito ang usapan, ‘Hoy ang ganda ng transferee, kamukha ni Sharon Cuneta.”

Sang-ayon naman si @yap.isabel, “@abelle_23 s’ya ang crush ng bayan nuong teens sya maganda talaga sya.”

Gayun din si @lelaina_1011, “@abelle_23 That’s so true. I remember nu’ng high school kami na may bagong transferee. Sobrang popular n’ya kasi kahawig ni Sharon.”

Sabi rin ni @adrian_sastrillo, “Walang kupas ang kagandahan mo po idol sana po mapansin ninyo ako.”


Napansin naman ng ilang netizens na ka-level ng beauty ni Kathryn Bernardo si Sharon noong kabataan niya.

Ito ang sabi ni @rizaahmee, “Parang si Kathryn Bernardo beauty ni Ms. Sharon nu’ng bata pa beautiful then and now.”

Say din ni @khienzelpanganiban, “Payat or mataba walang nabago, talagang maganda ang aking mega.”

Ang komento naman ni @iamlejane, “Omg I just finished watching Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin. I looked into Megastar’s beautiful eyes.”

Sabi ni @crosdeb, “Goodness! You were so young and slim. A baby with a baby.”

Oo nga, tanda rin namin noong papasok na kami ng kolehiyo ay puro pangalan ni Megastar ang naririnig namin at totoo, ginagaya rin noon ang mga suot niya at hairstyle. Iba talaga ang dating ng mama nina KC, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan.

Speaking of Frankie at Miel ay nag-post din si Sharon ng mga baby pictures nila at kamukha rin talaga ng aktres ang mga anak, ang lakas talaga ng dugo ni Mega.

At akala namin ay si KC ulit noong dalaginding age ang kasama ni Sharon sa larawang ipinost dahil parang pinagbiyak na bunga, hindi pala dahil ang caption niya ay, “Little me, big me.”

KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID

KC Concepcion naka-unfollow kay Frankie?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending