Jodi may natutunan sa karakter bilang Dra. Jill Ilustre: There is always a life after a heartbreak

Jodi may natutunan sa karakter bilang Dra. Jill Ilustre: There is always a life after a heartbreak

SA solo virtual mediacon ni Jodi Sta. Maria na gumaganap na Dr. Jill Valdicano-Ilustre sa Philippine adaption ng British drama series na “Doctor Foster”, ang “The Broken Marriage Vow” ay tinanong namin kung ano ang pagkakapareho ng personalidad niya sa gagampanan niyang karakter.

“One thing na similar kami ni Dra. Jill is when we are put in a situation kung saan medyo difficult siguro parang we try as much as possible to stay calm and connecting and you know para maging logical as much as possible.

“Siguro Jill and Jodi is the same sa pagiging passionate sa mga bagay na gusto nila sa buhay nila o mga bagay na pinahahalagahan nila, we are similar on that way,” say ng aktres.

Perfect family ang samahan nina Dra. Jill at asawang si David Ilustre na ginagampanan ni Zanjoe Marudo at nabago ang lahat nang mahuli ng una na may ibang babae ang pinakamamahal na asawa.

Kaya ang sumunod na tanong namin ay kung ‘yung mga ginawa ni Dra. Jill sa larangan ng pag-ibig at pagmamahal ay kaya rin ba niyang gawin sa totoong buhay.

“You know what? What happened to Dra. Jill is kasi she has this picture perfect life, ang ganda ng trabaho niya, may mabait at matalino siyang anak, may mapagmahal siyang asawa and gumuho lahat ‘yun nu’ng nalaman niya ‘yung tungkol sa affair,” saad ni Jodi.

“Well, nagsuspetsa muna siya hanggang sa naging obsessed siya sa pag-alam (pagtuklas) kung totoo ba talaga ‘tong affair na ‘to.

“And she was able to do things out of that obsession of finding out. Naging obsessed siya sa revenge kasi ang gusto lang naman niya ay maibalik ‘yung dignidad na nawala sa kanya,” paglalarawan ng aktres sa karakter niya bilang dra. Jill.

Dagdag pa, “siguro posible kapag napunta ka sa point ng betrayal sometimes hindi ka na logical talaga mag-isip, eh. You are just suddenly hijack by your emotions and when you are too emotional about something, you cannot think logically, di ba?

“And siguro out of ‘yung hurt niya, ‘yung pain niya, nakagawa siya ng bagay na hindi mo iisiping magagawa o gagawin ng isang doctor na katulad niya.”

At natutunan ni Jodi kay Dra. Jill ay, “there is always a life after a heartbreak.”

Samantala, mapapanood na ang The Broken Marriage Vow ngayong Enero 22 sa iWantTFC, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV. Subaybayan ito simula Enero 24, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at TFC.

Ang ibang kasama sa TBMV ay sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, at JB Agustin and with special participation of Susan Africa and Ronnie Lazaro.

Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

Related Chika:
Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa
Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

Read more...