KAMI ang nanghinayang sa mga tig $100 bank note na pinirmahan nina Diego Loyzaga at ng mga kasama nito bilang remembrance na nagpunta sila sa isang kilalang brand sa New York City para mag-shopping bilang mga nasa Pilipinas kami.
Nasa five thousand pesos kasi ang palitan ng isang daang dolyar dito sa Pinas at sa tantiya namin ay umabot sa 10 pirasong $100 ang mga sinulatan nina Diego at ng mga kasama nito.
Ang isinulat sa isang $100 ni Diego ay, “Diego Loyzaga PH Represent!”
Naglabas din siya ng pera natin na isang daan piso na ipinatong niya sa brand at ang isinulat ang, “Diego Loyzaga was here!”
Nag-post ng mga larawan ang aktor na nasa loob sila ng shop na may caption, “Dopest shop in NYC @uniquehypecollection thanks Og Ma and to all the bros who helped me cop the best merch! (had to post again cos wiz got cropped).”
Naka-disable naman ang comment section sa post na ito ng aktor.
Samantala, tsinek namin na hindi bawal sulatan ang paper bill sa US.
Is it illegal to write on money?
“It is not illegal to write on paper currency, however, it is illegal to deface money.”
At kung sa Pilipinas ito nangyari ay bawal base sa Google search.
“Under the law, writing or putting marks on banknotes is prohibited. Tearing, burning or destruction of Philippine currency, including excessive folding or crumpling that may affect its visual appearance or breakage, is also not allowed.”
Related Chika:
Barbie ikinumpara ni Diego kay Teresa: She’s maternal, sobrang caring niya like a mom!
Diego Loyzaga tuloy ang pagpapa-yummy: Salmon lang or chicken breast ang kinakain ko
Sey mo Barbie sa lovelife hugot ni Diego: I won’t do anything to hurt the person I love…