Jo Berry nagtatrabaho habang nagluluksa: Kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangang kayanin
Jo Berry
“GIRL power” ang ibabandera ng bagong Kapuso family drama na “Little Princess” na pagbibidahan ng “Onanay” star na si Jo Berry.
Dito, patutunayan ng buong production kung gaano kahalaga ang pamilya at mga tunay na kaibigan sa pakikipaglaban sa mga hamon at problema ng buhay.
Pero knows n’yo ba na muntik na palang hindi matuloy ang lock-in taping ng “Little Princess” dahil sa sunud-sunod na pagsubok na kinaharap ni Jo Berry.
October, 2021 nang magkakasunod na namatay ang kanyang tatay, lolo at kapatid. Matinding sakit ang idinulot nito sa Kapuso actress kaya talagang bagsak at wasak ang kanyang puso.
Dahil dito, naisip ng production na baka hindi na gawin ni Jo ang serye at maiintindihan naman daw nila kung ito ang magiging desisyon ng aktres. Pero mas pinili nga ng dalaga na ituloy ang proyekto.
“Naging idol ko nga po si Princess. The whole time po kasi bago ako pumasok ng lock-in taping, may mabigat akong pinagdaraanan.
“So, nu’ng nandoon ako, si Princess ang naging takas ko for awhile. Alam ko na kailangan ko muna siyang gampanan. And, at the same time, yung mga hugot ko nu’ng time na yun, nagamit ko kay Princess,” ang pahayag ni Jo sa ginanap na online presscon ng “Little Princess” kahapon sa virtual media conference kahapon, Jan. 5.
Pagpapatuloy pa niya, “Natutunan ko sa kanyang mas maging malakas at ipagpatuloy yung buhay. Lahat ng challenges na dumarating sa atin, dumarating ‘yan dahil kaya nating harapin, kaya nating solusyunan.
“So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito.
“And yun lang naman ang purpose natin. Si Princess po yung naging purpose ko para ipagpatuloy pa muna.
“Hindi ako nabigyan ng chance na mag-pause for awhile dahil sa mga nangyari kasi nakita ko na kailangan kong maging si Princess. Pinalakas niya po yung loob ko,” sabi pa ng dalaga.
Pinasalamatan din niya nang bonggang-bongga ang lahat ng kasamahan niya sa “Little Princess” na nagsilbing second family niya habang malayo sa kanyang pamilya.
Talaga raw naging bahagi na ng kanyang buhay ang mga ito lalo noong nagluluksa siya, “More than 100 percent po na suporta. Lahat ng pag-a-adjust, ginawa nila para sa akin.
“Hindi nila ipina-feel sa akin na malayo ako sa family ko nung time na yun. Nandoon sila. So, nagawa ko din lang naman yung pag-portray kay Princess kasi sila yung mga kasama ko.
“Sobrang big factor na itong team ng Little Princess ang nakasama ko sa isa sa pinakamasalimuot na parte ng buhay ko. Sobrang thankful po ako sa kanila,” pahayag pa ni Jo Berry.
View this post on Instagram
Magsisimula na ang “Little Princess” sa Lunes, Jan. 10, 2022 kung saan makakasama rin ni Jo sina Rodjun Cruz, Juancho Triviño, Angelika dela Cruz, Geneva Cruz, Chuckie Dreyfuss, Lander Vera Perez, Therese Malvar at Jestoni Alarcon.
Ito’y sa direksyon nina Don Michael Perez at L.A. Madridejos.
https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.