Alden tutulong sa pagpapagawa ng bahay ng mga biktima ni Odette; hiling na mabawasan na ang mga pasaway
Alden Richards
NANGAKO ng tulong pinansiyal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa ilang kababayan nating nawalan ng tahanan dulot ng super typhoon Odette.
Inihayag ito ng Kapuso actor at TV host sa nakaraang episode ng “Bawal Judgemental” sa “Eat Bulaga” kahapon, Jan. 3, mismong kaarawan ng binata.
Ayon kay Alden, mag-aabot siya ng kaunting ayuda para sa mga napiling choices sa “Bawal Judgmental” upang magamit ng mga ito sa pagpapagawa ng mga nawasak nilang bahay matapos masalanta ni Odette.
Ito’y bilang bahagi na rin ng pagse-celebrate ni Alden ng kanyang 30th birthday nitong nagdaang Linggo, Jan. 2. Nasa Amerika pa rin siya ngayon kasama ang pamilya dahil doon nila ipinagdiwang holiday season.
Kahapon, naki-join nga siya via video call sa kanyang “Eat Bulaga” family kung saan niregaluhan pa siya ng birthday cake ng mga Dabarkads sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto.
Isa sa mga wish ni Alden sa kanyang birthday ay ang mawala nang tuluyan ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.
“Ang wish ko po ay sana mag-enjoy na tayong lahat at sana mawala na talaga ang Covid at mabawasan po ang mga pasaway. Simulan natin ng may positivity ang 2022,” mensahe ng binata.
View this post on Instagram
Kasunod nga nito, ibinandera ng Pambansang Bae ang gagawin niyang pagtulong sa pagpapagawa ng bahay ng mga choices sa “Bawal Judgemental”.
“Dahil naman po birthday ko rin ngayon, siyempre naghahanap din po ako ng paraan para makatulong sa mga dabarkads nating naapektuhan ng bagyo.
“E, babakas din po ako ng konti, tulong po sa lahat ng mga choices natin (sa Bawal Judgemental) ngayon.
“Para po sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay galing po sa akin so thank you po sa Eat Bulaga for this opportunity para ma-rehabilitate po at maitayo nila ang mga tahanan nilang nasalanta ng bagyo,” pahayag ng lead star ng Kapuso primetime series na “The World Between Us” na magtatapos na ngayong linggo.
Siyempre, tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan ni Alden sa “Eat Bulaga” kabilang na sina Bossing Vic, Jose Manalo at Wally Bayola dahil sa iaabot niyang tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.
https://bandera.inquirer.net/302043/alden-first-time-makaranas-ng-birthday-salubong-grateful-for-30-fruitful-years
https://bandera.inquirer.net/293127/maine-ibinuking-ng-yaya-sa-bawal-judgmental-mahilig-nga-po-siyang-humarap-sa-salamin-magarte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.