Tekla nakikipagkita uli sa ex-dyowa na nagpa-Tulfo sa kanya, pero may 'pagbabanta' | Bandera

Tekla nakikipagkita uli sa ex-dyowa na nagpa-Tulfo sa kanya, pero may ‘pagbabanta’

Ervin Santiago |December 28,2021
facebook
share this

Tekla nakikipagkita uli sa ex-dyowa na nagpa-Tulfo sa kanya, pero may ‘pagbabanta’

Ervin Santiago - December 28, 2021 - 12:37 PM

Super Tekla at Michelle Banaag

TOTOONG nakikipagkita uli ang Kapuso comedian at TV host na si Super Tekla sa dati niyang live-in partner na si Michelle Banaag.

May mga chika kasing kumakalat na nagkakamabutihan na raw uli ang dating magkarelasyon dahil nga may nakakakita sa kanila na palaging magkasama.

Pero ayon kay Tekla hindi niya itatanggi na may mga pagkakataon talaga na nagkikita sila ni Michelle pero aniya walang katotohanan na nagkabalikan na sila at nagsasama na uli sa iisang bahay.

Sa nakaraang episode ng “The Boobay And Tekla Show” last Sunday sa GMA 7, diretsahanag sinabi ni Tekla sa co-host niyang si Boobay na nakikipagkita siya uli kay Michelle.

Ngunit mabilis niyang nilinaw na ito’y dahil lamang sa kanilang anak na si Angelo. Regular daw niyang binibisita ang bata para alamin ang lagay at kundisyon nito.

“Siyempre nandiyan yung anak ko sa kaniya. Parati ko naman sinasabi sa kaniya na ingatan mo si Angelo,” pahayag ng komedyante.

Palagi raw niyang sinasabihan si Michelle na huwag pababayaan ang anak nilang si Angelo.
Tila nagbanta pa nga si Tekla sa dati niyang karelasyon, “Kapag ‘yan pinabayaan mo wala na, hindi na kita mapapatawad talaga.”

Komento naman ni Boobay si Angelo raw talaga ang tanging koneksyon nina Tekla at Michelle at bilib siya sa komedyante sa pagiging responsableng ama nito.

“Siyempre si Angelo kailangan ng nanay,” ani Tekla.

Humirit naman bigla ang co-host at “Mema Squad” member na si Buboy Villar kay Tekla na nagtanong kung ano ang magiging reaksyon niya kung lumapit muli si Michelle sa kanya at sibihing, “Mahal pa kita, puwede ba (na magkabalikan)?”

Hindi agad nakasagot ang komedyante kaya niresbakan na lang niya ng tanong si Buboy, “E, bakit hindi ikaw ang pumunta sa Amerika para magkaalaman na!” 

Tawa naman nang tawa si Buboy sa hirit ni Tekla na ang tinutukoy ay ang dati niyang karelasyon at nanay ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens na naninirahan na ngayon sa US. 

Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang paghihiway nina Tekla at Michelle dahil nakarating pa ito sa programa ni Raffy Tulfo. Inakusahan ni Michelle ng kung anu-anong malisyosong paratang ang komedyante.

Ngunit sa ending ay napatunayang hindi kasalanan lahat ni Tekla kung bakit sila naghiwalay hanggang sa magkasundo na nga para sa kapakanan na rin ng kanilang anak. Nasa pangangalaga ngayon ni Michelle si Baby Angelo bilang pagsunod sa ipinatutupad na batas sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi na ni Tekla na regular niyang bibisitahin ang anak para matutukan ang kalusugan nito matapos maoperahan dahil sa anorectal malformation o walang butas ang puwit.

Sabi ni Tekla noon, “Ang condition po kasi ni Baby Angelo ay napakaselan. Unang una sa cleft, may cleft palate siya. Parang bingot pero sa loob. Biyak ‘yung ano ni Angelo dito, ‘yung kanyang ngala-ngala. So hindi siya nakaka-intake na food directly.”

“To clear lang ang issue, wala po. Kasi ‘yan ano na ‘yan kay Michelle, may malaking parte ako diyan na kailangan kong gampanan na responsibilidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman na sa akin ‘yun. Sabi ko, forgive and forget. Nagkataon lang na meron siyempre importanteng obligasyon na hindi mo puwedeng talikuran,” aniya pa.

Anak ni Super Tekla, nagpositibo sa COVID-19

Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending