2021 may dalang kamalasan sa 10 celebrity couple: Hiwalay kung hiwalay! | Bandera

2021 may dalang kamalasan sa 10 celebrity couple: Hiwalay kung hiwalay!

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

2021 may dalang kamalasan sa 10 celebrity couple: Hiwalay kung hiwalay!

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 08:24 AM

Paolo Contis & LJ Reyes, Kylie Padilla & Aljur Abrenica, Alwyn Uytingco & Jennica Garcia, Rabiya Mateo & Neil Salvacion

“MALAS” kung maituturing ang 2021 para sa mga celebrity couple na naghiwalay ngayong taon na tinaguriang “Year of Breakups” sa mundo ng entertainment industry.

Kung hindi kami nagkakamali at kung tama ang bilang namin, may siyam na magdyowa sa showbiz ang naghiwalay ngayong Taon ng Metal Ox, hindi pa kasama riyan ang mga international stars na nag-break din nang bonggang-bongga.

Pero siguradong sasang-ayon ang lahat na kung may isang showbiz couple na talagang pinag-usapan at naging “national issue, yan ay walang iba kundi ang break-up nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Sumunod dito ang maiskandalong paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na ilang linggo ring naging headline sa mga newspapers and entertainment websites at pinagpiyestahan ng mga “Marites” all over the universe.

Balikan natin ang mga celebrity couple na hindi masyadong sinuwerte sa larangan ng pag-ibig ngayong 2021.

PAOLO CONTIS & LJ REYES

NAWINDANG ang mundo ng showbiz pati na ang social media nang kumpirmahin nina Paolo at LJ nitong nagdaang September na hiwalay na sila after six years. 

Inamin ng Kapuso actor na may third party sa kanilang break-up pero dinenay niyang si Yen Santos ang dahilan kasabay ng pagso-sorry sa ina ng kanyang anak na si Summer. Pero mukhang hindi pa handang magpatawad ang aktres na naninirahan na ngayon sa Amerika.

KYLIE PADILLA AT ALJUR ABRENICA

Lumebel din ang ingay ng paghihiwalay nina Kylie at Aljur sa break-up nina LJ at Paolo na kinumpirma nila last July. Makalipas ang 10 years, nagdesisyon din ang young married couple na magkanya-kanya ng landas.

Sinabi ni Kylie na may agreement na sila ni Aljur tungkol sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Hanggang sa mabalita na nagkakamabutihan na ang aktor at ang sexy star na si AJ Raval na na-bash din ng mga netizens.

Okay na sana ang lahat ngunit biglang uminit uli ang issue nang hamunin ni Aljur si Kylie na aminin sa publiko kung sino talaga ang unang nangaliwa. Pero ipinagdiinan ni Kylie na never siyang nanlalaki.

ALWYN UYTINGCO & JENNICA GARCIA

Marami rin ang nanghinayang nang mabalita na naghiway na ang mag-asawang Jennica at Alwyn noong Mayo. Hindi nila ibinandera kung ano talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay pero nag-sorry agad ang aktor kay Jennica at nagsabing miss na miss na rin niya ang mga anak nilang sina Athena Mori at Alessi.

Update: mukhang nangangamoy balikan na ang dalawa matapos sabihin ni Jennica na maayos na uli ang relasyon nila ng asawa at kasalukuyang nasa “healing process” na.

RABIYA MATEO & NEIL SALVACION

Tulad ng nangyari sa lovelife ng mga dating beauty queen, partikular na sa mga nananalong Miss Universe Philippines, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Rabiya at Neil.

Mismong si Neil ang nagkumpirma na break na sila ng dalaga noong June na sinegundahan din ni Rabiya. Ayon sa bagong Kapuso star maayos naman ang relasyon nila ng ex-BF bilang magkaibigan.

KATE JAGDON & BEATRICE LUIGI GOMEZ

Hindi rin nakaligtas sa  “sumpa” ng Miss Universe Philippines si Beatrice Luigi Gomez dahil tulad ng mga nauna sa kanya, matapos manalo sa pageant naghiwalay din sila ng partner niyang si Kate Jagdon na karelasyon niya ng six years. 

Isang proud LGBTQIA+ member si Beatrice na nabigong maiuwi ang Miss Universe 2021 crown sa bansa ngunit naniniwala siya na ginawa niya ang lahat para bigyan ng karangalan ang Pilipinas. Posible ring pasukin ng dalaga ang showbiz tulad ni Rabiya Mateo na nasa GMA na ngayon.

ALODIA GOSIENGFIAO & WIL DASOVICH

Nito lang November, ibinandera ng cosplayer at vlogger na si Alodia sa socmed na wala na sila ni Wil matapos ang mahigit tatlong taong relationship. Sinubukan naman daw nila na sagipin ang kanilang pagsasama pero hindi raw talaga sila meant to be. 

Hindi na rin nagsalita si Wil about the break-up but he chose to “keep moving forward, because there is no other option.” 

SCOTTIE THOMPSON & PAU FAJARDO

Naging topic din for a while ng mga “Marites” ang civil wedding ni Barangay Ginebra guard Scottie Thompson at ni Jinky Serrano na naganap ilang buwan lamang pagkatapos ng engagement nila ng kanyang longtime girlfriend na si Pauline Fajardo.

Anyare!? Ayon kay Pauline, “heartbreaking is an understatement” sa nararamdaman niya matapos iwan ng kanyang fiancé para magpakasal sa ibang babae. Pero sa halip na magpakalunod sa matinding sakit at kalungkutan, mas pinili na lang niyang mag-move forward.

VICTOR CONSUNJI & MAGGIE WILSON

SHOOKT din ang mga taga-showbiz nang i-announce ng dating beauty queen at TV host last September na naghiwalay na sila ng asawang si Victor Consunji after almost 11 years of being together as husband and wife.

Walang binanggit si Maggie kung bakit mas pinili nilang maghiwalay ni Victor kesa ipaglaban pa ang kanilang married life. Pero ang “good news,” “we remain really good friends and partners. And we will always be family as we share our beautiful son, Connor.”

MICHELLE MADRIGAL & TROY WOOLFOLK

Nagkakilala sa dating app na Tinder, nagkagustuhan, nagpakasal at nagkaanak pero makalipas ang halos tatlong taon, nakipaghiwalay din ang aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang husband na si Troy.

Nasa proseso na ang kanilang divorce pero sa isang bahay pa rin sila nakatira (magkahiwalay ng kwarto) habang pinag-aaralan at pinoproseso ang coparenting agreement nila para sa anak na si Anika. 

JANINE GUTIERREZ & RAYVER CRUZ

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at nagbibigay ng pahayag sina Janine at Rayver tungkol sa kanilang paghihiwalay. Wala ring diretsahang pag-amin ang dalawa na break na sila.

Pero ayon sa ilang taong malalapit sa ex couple, wala raw third party involved sa hiwalayan ng dalawa na apat na taon ding nagmahalan pero ang ending nauwi rin sa wala.https://bandera.inquirer.net/297688/alodia-gosiengfiao-wil-dasovich-naghiwalay-na-wala-na-kame

Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending