BILANG isang single mom si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa tunay na buhay ay nagulat kami sa pahayag niya sa vlog ni Ogie Diaz na kung papipiliin siya between anak at career ay mas pipiliin niya ang huli.
Bagay na ikinagulat ni Ogie dahil sa dami ng nakapanayam niya ay tanging si Jaclyn lang ang nagsabing mas pipiliin niya ang showbiz career niya kaysa sa mga anak.
May dahilan naman kasi ang aktres, “Paano ko palalakihin ‘yung anak ko kung wala akong ipapakain? Pero hindi ibig sabihin na mas pinili ko ang career ko dahil mas mahal ko kaysa sa anak, mas mahal ko ‘yung anak ko! At kung hindi ko pipiliin ang career wala siyang environment na mahusay na kinalakihan o school.”
Dalawa ang anak ng premyadong aktres, si Andi Eigenmann na ang ama ay ang namayapang aktor na si Mark Gil at si Gwein Garimond Ilagan Guck ang ama ay si Kenneth Ilagan na miyembro ng bandang sikat noong ‘90’s na The Dawn at True Faith.
Ayon kay Jaclyn ay mag-isa niyang itinaguyod ang mga anak dahil hindi siya umasa sa mga tatay nila kaya maiintindihan naman siguro kung bakit career ang pinili niya bagay na nakita nina Andi at Gwein kung anong hirap ng ina para buhayin sila.
“Never, not a single centavo!” ito ang pagtatapat ng aktres sa usaping suporta.
Tanong ni Ogie, ‘Ano ‘to prinsipyo ni Ms Jane?’
“Wala ayaw nila magbigay, eh. Alangang pilitin ko sila? Hindi ako nanghihingi pero kung anak mo ibigay mon a lang di ba kung gusto mong magbigay. Pero hindi ako maga-ask,” katwiran ng aktres.
Dagdag pa, “baka mapahiya lang ako, eh, parang sa akin, kaya ko ito.”
Inamin din ni Jaclyn na hindi sila nakapag-usap ni Mark bago ito nawala, “when Ralph (tunay na pangalan ni Mark) died hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Itong ngayon (ama ni Gwein) hindi rin ako nakikipag-usap, I’ve asked so many times to help me not financially, time kasi lalaki ‘to (lalaking anak) ang hirap palakihin. I got turned down so many times also kasi may bago ng pamilya, so, I stop alangan namang pilitin ko pa.”
Sa tanong ni Ogie kung may mga sinabi ang aktres tungkol sa mga ama ng anak niya.
“Wala. If I will say anything about their father, magi=guilty na naman ako, sasabihin nila half of me is bad, so, ayokong magsalita. Hindi ako nagkukuwento ng mga…” biting sabi ng aktres.
Hirit ni Ogie, ‘Sila ang bahalang tumuklas?”
“Oo,” mabilis na sabi ng ina nina Andi at Gwein.
At hindi rin pinipigilan ni Jaclyn na magkaroon ng komunikasyon ang anak na si Gwein sa ama nito, “ako pa nagsasabi na no matter what, he is your father. At least say ‘hi’ or greet him sa birthday niya.”
Ayon kay Ogie ay regalo ng Diyos kay Jaclyn ang pagkakaroon ng mga anak na matatalino.
“Oo. Nakita mo naman si Andi kung paano magsalita kahit text lang. Her choices of words are.. anong ibig sabihin no’n (tanong niya kay Andi pag hindi naintindihan).”
Sundot ni Ogie, ‘mayroon kayong conversation na kapag hindi maintindihan mo maintindihan sa post ng anak mo tinatanong mo?’
“Oo, sinasabi ko sa kanya (Andi). Si Gwein naman tanungin mon a hindi pa rin sasabihin, ayaw niyang ma-offend ako na hindi ko alam ‘yung word. Sasabihin niya, ‘no mom it’s okay. You say word na maiintindihan mo.’ Ayaw niya (Gwein) niya akong i-correct, he is hurting for me,” paliwanag ni Jaclyn.
Bakit gano’n si Gwein, “mahal na mahal ako no’n, eh,” sambit ng aktres.
Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ang bunso at kapatid ni Andi para mag-aral na suportado ni Jaclyn. Pero may part time job ito sa kanilang eskuwelahan since student visa naman kaya legal.
Sa madaling salita nag-iisa sa buhay si Jaclyn.
“Ayokong pigilan ‘yung mga anak ko sa gusto nilang gawin kasi ako, nahawakan, napigilan (magulang niya). Kung anuman ‘yung gusto nilang tahakin, ayaw ko silang pigilan.
“I want them to enjoy life kasi life is short lalo na ngayon dati cliché ‘yan, eh. After this (COVID 19) pandemic you can really tell that life is short. Kausap mo palang (tapos) nasa ICU na wala na. So, gusto niya (Gwein) mag-aral sa States, sige. Gusto ni Andi manirahan sa Siargao to create a life there sige. Masakit, malungkot,” katwiran ng aktres.
Inamin ding nagdalawang isip si Jaclyn nang magpaalam ang bunso na gusto nitong mag-aral sa ibang bansa at sinabihang dito sa Pilipinas na lang tapusin ang kolehiyo bukod pa sa wala siyang kasama sa bahay.
Pero ang katwiran daw ng anak, ‘Nanay, it’s gonna be forever that I’m gonna be with you, so let me live a life’ at 20? Iba na kasi ang mga bata ngayon.”
Ipinagmamalaki pa ni Jaclyn na kapag namimili sila ay laging isang shirt lang ang kukunin ni Gwein na sabi nga ni Ogie ay hindi oportunistang anak.
Ang dahilan ni Gwein, “nakikita niya kasi ‘yung hirap ko sa trabaho.”
Edad 30 na si Andi at nagagawa na nito ang gusto niyang gawin sa buhay niya kaya nu’ng nagsabing gusto na niyang mag-settle sa Siargao ay hindi ito pinigilan ni Jaclyn.
“Hindi ako nagdalawang isip kasi alam ko na hindi ko siya mapipigilan. Si Andi ay buo magdesisyon hindi ko siya pinakikialaman kahit sa career niya, never akong nag-stage mother.
“Kaya nu’ng umalis siya ng showbiz ay naintindihan ko kasi kung ako nga napagod, eh. Ayoko naman na ‘yung anak ko ganu’n din.
“Pero si Andi hindi nagre-reklamo ‘yan. Mabilis magtrabaho kasi gusto niya matapos agad at hindi sa pagmamalaki magaling si Andi, mahusay kaya lang nagka-anak siya, eh nagkaroon ng pamilya.
“Siguro sabi niya ‘ayaw kong mangyari sa akin ‘yung nangyari sa nanay ko na hindi niya ako nakitang lumaki. Hindi niya (Jaclyn) nasubaybayan.’
Pag-amin naman ng aktres, “I was not there (during) family day most of the events sa school. Nu’ng nalaman na niya, na-realize na niya.”
Naihambing pa ni Jaclyn ang message ni Dingdong Dantes sa anak na si Zia na nag-celebrate ng kaarawan na wala siya sa tabi niya dahil nasa lock taping siya at pagdating ng araw ay maiintindihan ito ng anak.
“Malaki ang hinihingi sa atin ng trabahong ito, eh, buhay mo kapalit,” sambit ni Jaclyn.
Related Chika:
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry