Biado, Gabica pasok sa World 9-Ball semis | Bandera

Biado, Gabica pasok sa World 9-Ball semis

Marlon Bernardino - September 14, 2013 - 03:19 AM

TINALO nina Carlo Biado at Antonio Gabica ang kani-kanilang mga katunggali Huwebes ng gabi para makapasok sa semifinal round ng 2013 World 9-Ball Championship  sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Tinalo ng  Bugsy International Promotions  player na si Biado si Chris Melling ng Great Britain, 11-3, at ginulat naman ni  Gabica si Nick Van den Berg ng Netherlands, 11-10, sa quarterfinal round.

“Malaking factor ‘yung suporta na ipinakikita nina Sir Perry at Mam Verna Mariano ng Bugsy International Promotions sa mga players nila at siyempre ang pamilya ko na laging sumusuporta sa akin,” sabi ni Biado na hanap ang una niyang world championship.

Bago makarating sa quarterfinals si Biado ay tinalo muna niya ang mga bigating sina  Shane Van Boening ng Estados Unidos, 11-10, sa Round-of-32 at Fabio Petroni ng Italy, 11-10, sa Round-of-16.

Binigo naman ng 2006 Doha Asian Games gold medalist na si Gabica sina Oliver Ortmann ng Germany, 11-8, at Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei, 11-9, para manatiling buhay sa torneo.

Nakasagupa ni Biado sa semis Biyernes ng gabi ang dating world 9-ball champion na si Thorsten Hohmann ng Germany habang makakaharap ni Gabica si Karl Boyes ng Great Britain.

Pinadapa ni Hohmann sina Darren Appleton ng Great Britain, 11-5, isa pang Bugsy player na si Dennis Orcullo, 11-8, sa Round-of-16 at Jeffrey de Luna ng Pilipinas, 11-7, sa Round-of-8.

Nilaglag naman ni Boyes sina Huidji See ng Netherlands, 11-8, Lo Li Wen ng Chinese-Taipei, 11-10, at Nick Ekonomopoulos of Greece, 11-8, para makarating sa semis.

Ang mga mananalo sa Final Four ay magsasagupa agad sa championship round ng torneong inorganisa ng World Pool-Billiard Association (WPA).

Ang iba pang mga Pinoy na nalaglag na sa torneo ay sina Marlon Manalo, Ramil Gallego, Israel Rota, Lee Vann Corteza, Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Alex Pagulayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending