“SHOOKT,” ito ang tanging nasabi ni 2021 Miss Philippines Earth-Fire Roni Meneses nang makaharap niya ang si Anne Barretto, CEO ng Hey Pretty Skin sa grand launch nitong Lunes na ginanap sa isang private resort sa Amadeo, Cavite.
Ang terminong shookt ang madalas gamitin ngayon ng Millennials at Gen Z lalo na sa showbiz industry na ibig sabihin ay shocked.
Si 2021 Ms. Philippines Earth-Fire Roni Meneses ang isa sa special guest sa ginanap na event at gandang-ganda siya sa venue na punumpuno ng pink balloons at flowers pati set-up ng dining tables ay all in pink.
Kaya tinanong ni TV Patrol reporter, Mario Dumaual si Ms Earth-Fire kung anong masasabi niya kay Ms Anne Barretto ay matagal muna siyang nakasagot sabay sabing, ‘shookt’ kasi hindi pa niya nakikita ng personal kundi sa mga posters at standee sa buong venue.
Aniya, “Super-super pretty and you’re right, puwedeng pang beauty queen talaga, tama pala ‘yung sinabi ko kanina shookt. Ang ganda.”
Nagulat si Ms Anne sa pahayag na ito ni Ms Earth-Fire at nagpasalamat at tanging nasabi lang niya, “you have a good skin.” Dahil posibleng kuning endorser ang beauty queen sa kanyang beauty products.
Ganting sagot ng magandang dilag, “perfect, specially me sobrang arte ko sa balat ko.”
“Sobrang overwhelmed nga ako for the support lalo na sa inyo (media), maraming salamat po,” malumanay na sabi ni Ms Anne na aminadong hindi sanay na nai-interview.
Kaya nang makapanayam siya ni Korina Sanchez sa kanyang success story sa “Rated K” kamakailan ay mahahalata ang pagkamahiyain nito habang ikinukuwento ang humble beginnings niya.
Isa si Ms Anne sa mga naghahatid din ng tulong sa iba’t ibang foundations na ayaw niyang banggitin at higit sa lahat sa mga staff niya na ilang taon ng nasa kanya kasama ang pamilya ng mga ito.
Samantala, binibiro naman ng host ng event ng komedyante/writer/director na si Alex Calleja si Ms Earth-Fire Roni Meneses na ang tawag niya ay Miss Fire extinguisher”
“Paano ka ba naging Miss Earth-Fire?” biro ni Alex na ikinatawa naman ng anak ng dating PBA legend na si Vergel Meneses pati na rin ng mga guest sa launching.
Anyway, abut-abot ang pasalamat ni Alex sa pag-imbita sa kanya bilang host dahil nanumbalik na ang sigla ngayon sa events at pati mga sinehan ay nagbubukas na rin kaya’t maraming makakabalik na sa trabaho.
“Masaya nakakabalik na kami but, of course, safety protocols are still in place like wearing of masks and social distancing,“ saad ng komedyante.
Ang entertainment industry ang pinaka-apektado sa COVID-19 pandemic dahil maraming nagsaradong comedy bars, sing-along bars, pati ang tapings/shootings ay nawala rin kaya panay ang pasalamat ng lahat dahil nanumbalik na nga ang sigla ng industriya.
Ang maganda ‘yung ibang mga nawalan ng trabaho ay sinubukang maging resellers ng beauty products bagay na sinuportahan ni Ms Anne dahil tinulungan niyang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng work at masaya niyang ibinalita na ‘yung iba ay tuluyan ng iniwan ang mga dating trabaho ang nag-concentrate na lang sa distribution ng beauty products.
“Ito talaga ang advocacy ko sa buhay, makatulong, to give back din sa mga taong tumulong din sa akin noong nagsisimula palang ako. Maraming beses akong nadapa sa negosyo, pero hindi ako sumuko kaya ito ang advise ko ‘wag ninyong sukuan ang dream ninyo. Kung ano ang passion n’yo ituloy nyo lang,” payo ni Ms Anne sa lahat ng mga nakaranas ng pagbagsak sa simula.
Ano ang masasabi niya kapag sinasabihan siyang ‘pretty?’
“Ay..siyempre po masaya pero ako po talaga nahihiya kapag kino-compliment ako, pero siyempre, dapat talaga laging maganda ang skin ko,” sambit ni Ms Anne.
At dahil ang ganda talaga ng lady CEO na ito ay natanong namin kung hindi niya pinangarap pasukin ang showbiz noong kabataan niya at puwede rin hanggang ngayon.
“Ay hindi po, mahiyain po ako talaga ako sa camera, first time ko nga po ‘yung ganito, maski po sa stage hindi po ako umaakyat, nasa side lang po ako. Magaling lang po siguro ako sa pag-iisip ng business, pero pag haharap na sa tao, hindi po kaya ‘yung showbiz po hindi talaga,” nakangiting sagot ni Ms Anne.
Naklaro rin na hindi siya related sa Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine na pawang may magagandang mukha sa showbiz industry.
Related Chika:
Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne