Luis Manzano ipinaglihi ni Ate Vi sa sashimi: Sa shooting at 3AM dinalhan ako ng kilawing isda

Luis Manzano ipinaglihi ni Ate Vi sa sashimi: Sa shooting at 3AM dinalhan ako ng kilawing isda

NAKAKAALIW talaga ang mag-inang Luis Manzano at Congresswoman Vilma Santos-Recto dahil kung anu-ano ang napag-uusapan nila sa kani-kanilang vlog na talagang patatawanin ka sa ayaw at sa gusto mo.

Tulad ng “Luis listens” to Momski’s revelations na in-upload nitong December 20 sa YT channel ng TV host.

Tawa ng tawa ang Star for All Seasons sa larawang ipinakita ni Luis na kasama niya si Michael Jackson nang unang pumunta ng Pilipinas ang The Jackson Five taong 1976.

Ayon kay Ate Vi ay kuha sa hotel ang larawan nila ni Michael bagay na ikinagulat ni Luis dahil bakit nga naman nasa hotel ang nanay niya kasama ang sikat na mang-aawit sa buong mundo.

“Ha, ha 18 -years old ako niyan dumating si Michael Jackson na Jackson Five pa noon since kaming mga bagets no’n pinapunta kami do’n (hotel),” kaswal na kuwento ng nanay ni Luis na nag-iba ang inisip dahil bakit sa hotel.

“Anak mahiya ka nga utang na loob! Ang totoo mong tatay ay si Edu, si Edu Manzano,” sambit ni Vilma.

Pangungulit ni Luis, “wala talaga? Wala (nangyari sa nanay niya at kay Michael.”

“Utang na loob!” diin ulit ni ate Vi.

‘Did you really want to get pregnant when you had me?” ikalawang tanong ni Luis.

“Ah yes anak., ito siguro first time ko ring sasabihin if I remember right before we got married sa Las Vegas (USA) ng daddy mon a nag-usap na kami no’n na willing na akong maging Misis Manzano which means magli-lie low ako sa career ko kaya that time when we got married sa Las Vegas na desidido na akong magka-pamilya at ibig sabihin ready na ako to get pregnant.

“Hindi ko lang in-expect na magiging honeymoon baby ka. Nandoon kami sa Las Vegas, ikinasal lang and honeymoon for a month pagbalik ko (Pilipinas), I was already positive,”pagtatapat ni Cong. Vilma.

 


Nagbalik-alaala si Luis na bilin ng duktor ay bawal kumain ng hilaw pero bakit sa sashimi naglihi ang nanay niya.

“Hindi ko alam doon ko siya ipinaglihi talaga kasi nagso-shooting kami noo ng Hiwalay (pelikula noong 1981) gusto kong kumain noon ng Sashimi, sabi ko maghanap sila (staff ng pelikula) dahil para para akong hihimtayin. At 3AM dinalhan ako ng kilawing isda na hilaw pa rin.

“Sabagay baka may epekto ‘yun (hilaw na idsa at sashimi), look at him (sabay turo kay Luis)” seryosong sabi ni congresswoman.

“Kung maka-look at him naman ‘to,” sagot ng panganay ni ate Vi.

Tinanong ni Luis kung paano maikukumpara ng mommy niya ang pagmamahalan nila noon ni Edu at ng step dad niyang si Senator Ralph Recto.

“Mahirap ‘yan anak, I cannot compare hindi naman puwedeng pareho. Because the time when I was with your dad na kaya ko rin naman siya pinakasalan ibig sabihin mahal ko siya. Willing akong ibigay ang buhay ko sa kanya,” pagtatapat ng ex-wife ni Edu.

At hindi natupad ang pangalong maging Mrs. Manzano, “it was unfortunate na nagkaroon ako ng problema financially na hindi naman matutugunan lahat ng daddy mo at that time, okay? (Kaya) kailangan kong trabahuin. Hindi ko natupad maging Mrs. Manzano.

“And then with your tito Ralph gave me the second chance in life to be happy and to look forward and think positive again even if we talked about relationship. I was given a chance to love again another chapter.

“And the good thing is, it was a very successful love and relationship kasi we just celebrated our 29th year wedding anniversary.

“Dito sa sa second chapter ko, naipakita ko rin naman na it’s worth na mabigyan kayo ng second chance talaga and then maipakita n’yo basta nanjan ang respect at pagmamahal kaya ninyong tumagal,” magandang sagot ni Ms. Vilma Santos.

Samantala, marami pa silang napag-usapan na sa YT channel ni Luis na tiyak na kapupulutan ng aral ang iba.

 

Related Chika:
Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

 

Read more...