Ibang bansa | Bandera

Ibang bansa

Joseph Greenfield - September 14, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula Amy ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong mag-aplay sa abroad, kasi ito na lang ang alam kong paraan para maiahon sa kahirapan ang aming pamilya. Ako po kasi ang panganay sa limang magkakapatid. Kasama ko naman pong nag-aaplay ang pinsan at bestfriend kong si Lorie. Itatanong ko lang kung matutuloy po ba kami, kasi sa ngayon malaki-laki narin ang nagagastos namin sa mga papeles at pamasahe. Balak na nga naming mag-give up, pero sabi naman sa akin ng mga magulang ko ituloy ko lang daw dahil baka nasa ibang bansa ang aking suwerte. Ano sa palagay nyo makapag-aabroad kaya ako bago matapos ang taong ito ng 2013? April 23, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Amy Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t ituloy mo lang ang pagsisikap na makapangibang bansa, tiyak ang magaganap darating din ang takdang panahong may itatalang mabunga at mabiyayang pag-aabroad sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Hearts, Queen of Cubs at Nine of Clubs (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki mas may edad omas matanda saiyo ng mga siyam hanggang 10 taon, sa taon ding ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre hanggang Nobiyembre, matutuloy ka na sa pag-aabroad at ang nasabing pangingibang bansa ang siya na ring magiging simula upang ang inyong pamilya ay unti-unti ng makaahon sa kahirapan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending