Tom Rodriguez nasaksihan ang hagupit ng bagyong Odette; humingi ng tulong at dasal para sa mga nasalanta

ISA ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa mga nakaranas ng pananasala ng bagyong Odette na tumama sa Visayas at Mindanao areas partikular sa Surigao, Cebu, Bohol, at Palawan.

Kasalukuyan nasa Cebu ang aktor.

Sa isang video na ibinahagi ni Tom sa kanyang Instagram ay makikitang pansamantalang pinalikas ang mga tao kasama siya dahil sa lakas ng hangin at ulan na dulot ng bagyo.

Makikita rin ang sa lugar na tila may reception ng kasal na ginaganap base sa outfit ng ilang bisita, set up ng lugar, pati na rin ang party music na pinatutugtog.

“May kasal dito pero pinaakyat na lahat dito for everyone’s safety. Pinapapunta na lahat sa ballroom,” pagbabahagi ni actor.

Sa mga naunang Instagram story ni Tom ay makikita ang kuha niya sa lobby area ng hotel na tinutuluyan bago pa man sila papuntahin sa ballroom.

Pagkukwento ng aktor, nilagyan daw ng wooden bar ang main entrance ng hotel bilang harang dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin ngunit kalaunan ay nabali ito sa lakas ng hampas ng hangin.

Ani Tom, “Bumukas… Muntik mabasag. Nabali yung harang na kahoy.”

At sa paglisan nga ng bagyong Odette sa Cebu ay nag-iwan ito ng matinding pamiminsala sa lugar.

Sa latest Instagram post ni Tom ay ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikita ang mga nasirang establishments, mga punong at posteng nagsibagsakan, at mga bahay na nasalanta.

“I’m sorry I haven’t been able to reply to everyone, phones are still down and wifi spotty. But I am physically fine.

“Please help me pray for our brothers and sisters who didn’t fare so well. Marami sa kanila nawalan ng bahay at walang pagkain at tubig.

“I am in awe with the Cebuano spirit na nagkaisa lahat kagabi sa hotel to make sure the doors don’t give in para mag-flood sa loob at magcause ng panic. Grateful din na maraming mga kababayan natin dito ang tumutugon sa pangangailangan ng mga kapatid nating nasalanta.

“Praying for a speedy recovery for Cebu, our fellow Cebuanos at sa lahat ng mga nasalanta ni Odette sa buong Pilipinas,” saad ni Tom.

 

Related Chika:
Pamilya ni Beatrice Gomez sa Cebu apektado rin ng bagyong Odette; beauty queen nangako ng relief mission
Angel namigay agad ng tulong sa mga biktima ni Odette; Nadine nanawagan din ng ayuda

Read more...