BAYANIHAN ang pinairal ng mga presidential aspirants na sina VP Leni Robredo at Sen. Manny Pacquiao para magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Odette.
Sa isang tweet ay nanawagan si Sen. Manny Pacquiao sa mga katunggali sa pagkapresidente na makiisa sa kanya sa pagbibigay tulong sa mga taong apektado ng bagyo.
“I appeal to my fellow candidates, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Ping Lacson, Ka Leody, that due to the devastation of typhoon Odette that we set aside all politics and join together all our resources to help our fellow Filipinos in Visayas and Mindanao.
“Magsama-sama tayo upang tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Now is the time to come together as one. Tulungan natin sila. #OdettePH ” saad ni Sen. Manny.
Agad namang nag-reply sa kanyang panawagan si VP Leni Robredo.
“Joining you in this call, Sen Manny,” reply ng bise presidente.
Joining you in this call, Sen Manny🙏🙏 #OdettePH
— Leni Robredo (@lenirobredo) December 16, 2021
Matapos nito ay nagsimula nang mag-usap ang dalawang kampo upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa dalawa dahil pinili nilang isantabi ang politika at ang papalapit na eleksyon para makapagbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
“In times of calamities and natural disasters, true leaders shall emerge among our midst. When you see them respond to the call of duty and the needy, it is a symbol of true patriotic Filipinos who shall standout among the very best. VP Leni and Sen. Manny are our true and tested leaders,” comment ng isang netizen.
“This is the collaboration that we never expected yet we needed,” saad naman ng isa pa.
“Setting aside politics and cooperating with your opponents in providing support for those who have been affected with the disaster. Thank you Sen. Manny and VP Leni,” pagpapasalamat naman ng isang netizen.
Hindi naman maiiwasan na may kumuwestyon sa relief efforts na ginagawa ng dalawang kandidato ngunit para sa kanila ay mas mahalaga na pagtuunan ng pansin ang pagtulong kaysa patulan ang mga nangne-nega sa kanilang ginagawa.
Bukod kina VP Leni at Sen. Manny ay may mga celebrities na rin na nagpaabot ng tulong gaya ni Angel Locsin.
Sa ngayon ay patuloy pa ring nananalasa ang bagyong Odette ngunit labis na pinsala ang iniwan nito sa mga kababayan natin mula sa Visayas at Mindanao.
Related Chika:
Pamilya ni Beatrice Gomez sa Cebu apektado rin ng bagyong Odette; beauty queen nangako ng relief mission