MAGIGING masaya ang Kapaskuhan para sa beteranong aktor na si John Lloyd Cruz dahil matapos ang halos apat na taong pamamahinga niya sa showbiz ay finally muli na siyang magbabalik telebisyon.
Sa kanilang virtual media conference na naganap ngayong araw, December 17 ay masaya nitong ibinahagi na simula December 26 ng gabi ay linggo linggo na siyang mapopanood sa kanyang sitcom na “Happy ToGetHer” sa GMA-7.
Isa itong good news at pamasko para sa mga fans na ilang taon ring nag-antay sa kanyang muling pagbabalik showbiz.
Pero kuwento ni John Lloyd, isang challenge ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng GMA-7.
“Bawat bagong opportunity is a new challenge got me and siguro mad malaking challenge na nasa bagong bakuran tayo.
“Mas challenging kasi siyempre nangangapa kami, ang aming grupo, ang aming pamilya. Kaya napakaswerte namin dahol ‘yung assistance at paggabay sa amin ni Sir Joey (Abacan) ay talagang hindi matatawaran,” pagbabahagi ni John Lloyd.
“And yung opportunity na galing kina Ma’am Annette (Gozon-Valdes), kina Mr. (Felipe) Gozon, araw-araw naming ipinagpapasalamat sa bawat araw na nasa loob kami ng bubble,” dagdag pa ng aktor.
Sey pa niya, sa kabila ng pinagdaraanan ng ating bansa at ng buong mundo ay mayroon pa rin talagang oportunidad para makapag-trabaho at magpatuloy sa buhay.
Kaya naman labis ang kanyang oasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob ng management sa kanila.
“Kaya punumpuno kami ng pasasalamat and, in return, gusto naman namin ay maibalik sa audience, sa viewers ng Kapuso Network, sa buong mundo yung favor na ibinibigay sa amin ng ating mga bosses dito sa Kapuso Network.”
Bukod sa bagong proyekto, isa pa sa mga paniguradong magpapasaya kay John Lloyd ngayong Pasko ay ang muli nilang pagkikita ng anak niyang si Elias Modesto.
“Sa Pasko, magkikita kami ng anak ko. Magkikita kami sa Pasko. Makakadalaw ako sa kanya,” pagbabahagi ng aktor.
Si Elias Modesto ay anak ni John Lloyd Cruz sa kanyang dating karelasyon na si Ellen Adarna.
Related Chika:
John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho