Hirit ni Juliana Parizcova kay Brenda Mage: Hindi niya pwedeng diktahan ang isang tao na piliin siya

Hirit ni Juliana Parizcova kay Brenda Mage: Hindi niya pwedeng diktahan ang isang tao na piliin siya

MATAPOS mag-trending ang panawagan ni Juliana Parizcova Segovia ay muli siyang naghayag ng saloobin patungkol sa malapit na kaibigan at kontrobersyal “Pinoy Big Brother Kumunity 10” housemate na si Brenda Mage.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay pinalabas nito ang mas detalyadong saloobin ni Juliana sa nangyayari ngayon sa kaibigan.

Aniya, kung magkakaroon man siya ng tsansa na makausap si Brenda ay ipapaalala nito na may isang tao sa outside world na nag-aantay sa kanya.

“Kung makakausap ko si Brenda, siguro sasabihin ko sa kanya na isipin niya lagi na may isang taong naghihintay dito sa labas na taong nagmamahal sa kanya, taong wala siyang kahati, which is yung dyowa niya,” saad ni Juliana.

Para sa kanya, wal namang masama kung magmahal siya dahil aminado na rin naman si Brenda na mahal niya ang kapwa housemate na si Eian pero hindi niya maaaring diktahan ito sa kung ano ang dapat nitong ikilos at maramdaman.

“Kung anuman ang nararamdaman niya, sana alam niya rin kung paano kontrolin.

Kasi hindi niya pwedeng diktahan ang isang tao na piliin siya. Hindi niya pwedeng diktahan ‘yung tao na unahin siya at hindi niya pwedeng diktahan o kontrolin yung tao para sabihin na dapat ganito sila, dapat wala nang iba,” pagpapaliwanag ni Juliana.

Ayon rin sa kanya, magkaiba ang pagpapakatotoo sa pagpupumilit dahil maaari makasakit si Brenda kung ipipilit niya ang mga bagay bagay.

“Kapag pinilit niya lahat ng mga bagay na hindi naman ayon dun sa nararamdaman ng isa, talagang magkakagulo. Magkakaroon talaga ng masasaktan talaga siya at may possibility talaga na makapanakit siya ng iba through her words.

“At ‘yun ‘yung nangyayari ngayon. Kaya siya nakakapagbitaw ng masasakit na salita kay Alexa at Eian kasi nasasaktan siya kasi hindi ‘yun ang ine-expect niya. Gumawa na siya ng sarili niyang set-up, nag-imagine na siya ng sarili niyang set-up ni Eian.”

Nalulungkot na rin siya para sa kaibigan dahil sa dami ng pambabatikos na natatanggap nito sa mga netizens.

“Durog na durog na siya eh. Durog na durog na siya sa mga netizens. Tapak na tapak na siya at hindi ko masisisi ang mga netizens kasi ‘yun ‘yung nakikita nila sa napapanood nila pero kailangan ding unawain ng mga tao na biktima rin si Brenda dito.

“Yun nga lang, hindi na kayang kontrolin ni Brenda yung nararamdaman niya, ‘yung sakit na nararamdaman niya na siya rin naman ang may kagagawan.”

Dagdag pa niya, kung makakalabas na raw ang kaibigan sa Bahay ni Kuya ay kaya pa niyang maisalba amg pangalan na matagal niyang binuo at inalagaan na dahan dahang niyuyurakan ng madlang pipol.

“Naniniwala ako na ang totoong laban ay wala naman sa loob ng Bahay ni Kuya, nandirito sa labas at mas gugustuhin ko na lumabas na siya para maumpisahan na niya ang laban niya.”

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

Read more...