Robin miss na miss na ang 2 anak; hindi kinain ang ‘half-cooked red meat’

Robin Padilla, Mariel Rodriguezm Isabella at Gabriella Padilla

ILANG araw nang hindi nakikita ni Robin Padilla ang mga anak kaya ipinost niya ang mga larawan nina Isabella at Gabriella sa kanyang Instagram account kagabi.

Ramdam na ramdam sa bawat salitang ibinahagi ng aktor ang matinding pangungulila sa kanyang pamilya dahil matagal-tagal na nga niyang hindi nakakasama ang mga ito.

Ang isinulat niyang caption ay “Everyday I miss my girls the joy and laughter that they bring the love in their eyes that fills my wild heart, the sweetness of their smile that erases all my physical pain, the magic of their touch and words that spell and define unconditional love, their purest love that does not betray and hurt the greatest love of all.”


Walang binanggit ang “UNLAD” host kung nasaan siya pero kung hindi kami nagkakamali ay patuloy ang pag-iikot niya ngayon dahil kumakandidato siyang senador para sa Mayo, 2022 elections.
Bukod pa rito ang tuluy-tuloy na pagte-taping niya para sa programa nila sa NET 25.

Kasunod nito, muling nag-post si Robin kaninang umaga sa Instagram ng, “3 hours sleep kailangan ng magbiyahe masuerte na ang makapag stretching.

“No training hindi ko nakain ang dinner dahil half-cooked red meat fastfood breakfast. All that I love and fought for straight to the bin,” sabi pa ni Robin.

Pinag-iingat naman si Binoe ng kanyang followers sa mga kinakain lalo na kapag half-cooked. Mahaba pa naman daw ang biyahe nila ngayong araw para magbigay tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Odette.

Samantala, may post naman si Mariel Rodriguez Padilla ng larawan ng kanyang asawang si Robin kasama ang mga anak habang kumakain ng cake.

“He was home for a few days and the kids missed him so much. They never left his side. It was so nice to watch. @robinhoodpadilla @mariaisabelladepadilla @gabrieladepadilla,” ang caption ni Mariel sa kanyang IG post.

Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’

Robin inalala ang buhay-preso sa vlog ni Kylie: Yun yung best days namin ng mama mo, yung nakakulong ako

Read more...