NAPAGDESISYUNAN ng Miss World Organization na pansamantalang i-postpone ang global broadcast finale na dapat ay gaganapin ngayong December 16 (December 17 sa Pilipinas) dahil sa banta ng COVID-19.
Sa halip ay ire-reachedule na lamang ito within 90 days sa Jose Miguel Agrelot Coliseum of Puerto Rico (Coliseo de Puerto Rico).
Matapos makipagpulong ng organisasyon sa mga virologists at medical experts at pakikipag-diskusyon sa Puerto Rico Health Department ay minabuti na muna nilang i-reschedule ang nasabing global broadcast finale para na rin sa kaligtasan at seguridad ng mga kandidata pati ng mga taong parte ng naturang pageant.
“We are very much looking forward to the return of our contestants, (who we have grown to know and love), to compete for the Miss World crown” saad ni Julia Morley, CEO ng Miss World Ltd.
Matatandaang unang kumalat ang balita na may pitong nagpositibo sa nakahahawang COVID-19 virus kasama na ang pambato ng Indonesia na si Carla Yules.
At ayon sa huling nai-report ay umabot na ang bilang ng mga positibo sa 17 katao at kasama na rin ang kandidata ng Malaysia na si Dr. Lavanya Sivaji.
Dahil nga sa pagtaas ng COVID-19 cases ay nagdesisyon na rin silang tuluyang ikansela pansamantala ang coronation night at mas naghigpit na rin ang organisasyon sa pagpaptupad ng safety measures para na rin mapangalagaan ang mga kandidata at mga taong parte ng naturang pageant.
Sa ngayon ay naka-isolate na ang mga apektado ng nakahahawang virus habang mino-monitor sila ng mga medical experts.
Narito ang buong pahayag mula sa Miss World:
Related Chika:
17 katao mula sa Miss World 2021 pageant nag-positive sa COVID-19
Bet ng Indonesia sa Miss World 2021 tinamaan daw ng COVID-19; 7 pang kandidata naka-isolate na