17 katao mula sa Miss World 2021 pageant nag-positive sa COVID-19

17 katao mula sa Miss World 2021 pageant nag-positive sa COVID-19

UMABOT na hanggang 17 katao na parte ng Miss World 2021 pageant ang kumpirmadong nagpositibo sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Ayon sa health department ng Puerto Rico kung saan gaganapin ang nasabing pageant ay umabot na sa 17 katao (candidates and personnel) na involved sa Miss World ang nagpositibo sa virus. Ito ay base sa news report na inilabas ngayon ng Primera Hora, isang Puerto Rican newspaper.

Matatandaang unang kumalat ang balita na may 7 nang nagpositibo sa COVID-19 kabilang ang kandidata mula sa Indonesia na si Carla Yules.

“In the case of Miss World there are 17 positives, yesterday there was talk of seven, but that number webt up,” saad ni Lisdián Acevedo, press spokesperson ng health department ng Puerto Rico.

Wala nanan daw kinakailangang isugod sa ospital sa mga taong nagpositibo ngunit kinakailangan pa rin nilang sundin ang mandatory 10-day isolation.

Ayon naman sa presidente ng Miss World Organization na si Julia Morley, hindi nila papayagan na rumampa sa pageant stage ang mga kandidata na hindi makapagbibigay ng negative COVID-19 test ngunit may tsansa pa rin na manalo ng Miss World crown.

“Knowing the seriousness of this global situation that we all face, we took steps to capture the unique talent of each contestant so that, in case they couldn’t join us, they could still win the crown as Miss World 2021. The panel of judges will review your pre-recorded video content to make their final decision.”

“The Miss World Organization is following national guidelines. We are an experienced and responsible global organisation that is very excited to celebrate our 70th anniversary in Puerto Rico and we remain dedicated to the health and safety of our participants and the people of Puerto Rico,” saad ni Julia.

Gaganapin ang Miss World coronation night sa Coliseo de Puerto Rico sa December 16 (December 17 sa Pilipinas).

Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez ay nakapag-secure na ng spot sa Top 30 matapos nitong manalo sa round 2 ng head to head challenge laban sa Mexico.

Pasok rin sa Top 5 ng Beauty With A Purpose ( BWAP) challenge ang dalaga na naglalayong matulungan at ma-empower ang mga single mothers sa kanyang komunidad sa Cordova, Cebu.

Kung papalaring manalo ay si Tracy ang tatanghaling pangalawang Filipino beauty queen na mag-uuwi ng korona sa bansa. Una na rito ang beauty queen-actress na si Megan Young na nanalo noong 2013.

Related Chika:
Bet ng Indonesia sa Miss World 2021 tinamaan daw ng COVID-19; 7 pang kandidata naka-isolate na

Read more...