Miss World PH Tracy Perez pasok sa Top 5 ng Beauty with a Purpose challenge

Miss World PH Tracy Perez pasok sa Top 5 ng Beauty with a Purpose challenge

 

PASOK ang proyekto para sa mga single mothers ng pambato ng bansa na si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa top 5 ng Beauty With A Purpose (BWAP) Challenge ng Miss World pageant.

Ito ay masaya niyang inanunsyo sa kanyang Facrbook account kaninang umaga.

“Philippines!! We made it to the top 5 of the BWAP final round. Miss World Organization will also be coming to the Philippines to fund my project Mommy Chona, this is for you and to all the solo parents out there,” masayang balita ni Tracy.

“This was all just a dream and now it’s finally happening (crying emoji) thank you everyone for the continuous support!! A few more days before the coronation night, lalaban tayo!!” dagdag pa niya.

Ang proyekto ni Tracy na “Para Kay Nanay” ay alay niya para sa mga single mothers sa kanyang komunidad sa Cordova, Cebu. Hangad niya na makatulong at ma-empower ang mga single mothers gaya ng kanyang ina sa pamamagitan ng kanyang proyekto.

“Growing up with just me and my mom, I’ve seen how challenging it was for her to single-handedly raise our little yet beautiful family. Despite all the problems, she always had this reassuring smile on her face reminding me that everything was going to be okay.

“And so when I lost her 11 years ago, I lost a huge part of myself. I lost my direction, even. But getting to know other single mothers just like my mom brought me back on track.” saad ni Tracy sa Beauty With A Purpose  YouTube video na inilabas ng Miss World noong Nobyembre.

Bukod sa pasok ito sa top 5 ng BWAP challenge ay nakla-secure na rin ito ng pwesto sa Miss World’s Top 30 matapos niyang manalo sa final head to head challenge.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Puerto Rico si Tracy para sa Miss World pageant. Gaganapin naman ang coronation night sa Dec. 16 (December 17 sa Pilipinas).

Kung papalaring manalo ay si Tracy ang pangalawa na mag-uuwi ng Miss World crown sa Pilipinas na unang napanalunan ni Megan Young noong 2013.

Related Chika:
Tracy Perez pasok na sa 2021 Miss World Top 30; tinawag na ‘Queen B’ si Beatrice Gomez

 

Read more...