Bagyong Odette lalong lumalakas, Signal No. 2 itinaas na sa ilang parte ng Surigao

GANAP nang typhoon ang Bagyong Odette na may lakas na 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 150 kph.

As of 10 a.m., kasalukuyang kumikilos pa-kanluran o westward sa bilis na 20 kph ang bagyong Odette sa area ng Caraga at Eastern Visayas at 590 kilometers sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Itinaas na rin ang Signal No. 2 sa Surigao del Sur at silangang bahagi ng Surigao del Norte (Claver, Siargao and Bucas Grande Islands).

 

Nakataas naman sa Signal No. 1 sa:

-Sorsogon

-Masbate kasama ang Ticao Island, at southern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose)

-Eastern Samar

-Northern Samar

-Samar

-Leyte

-Biliran

-Southern Leyte

-Bohol

-Cebu,

-Negros Oriental

-Negros Occidental

-Siquijor

-Iloilo

-Capiz

-Aklan

-Antique

-Guimaras

-Agusan del Sur

-Agusan del Norte

-the rest of Surigao del Norte

-Dinagat Islands

-hilagang bahagi ng Bukidnon (Malitbog, Impasug-Ong, Sumilao, Manolo Fortich, Libona, Baungon)

-Misamis Oriental

-Camiguin

-hilagang bahagi ng Misamis Occidental (Plaridel, Baliangao, Sapang Dalaga)

-hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad, Dipolog City)

 

Rainfall alert

Light to moderate na may bugso ng malakas na pag-ulan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Southern Leyte ngayong Miyerkules hanggang Huwebes ng umaga.

Asahan ang matinding pag-ulan sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, hilagang bahagi ng Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, Southern Leyte, Bohol, Negros Oriental, at Cebu. Samantala, asahan naman ang pagbuso ng matinding pag-ulan sa Leyte, southern portion ng Eastern Samar, Siquijor, at sa iba pang bahagi ng Caraga mula Huwebes hanggang Biyernes ng umaga.

 

Thursday landfall forecast

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Odette sa Caraga-Eastern Visayas sa darating na Huwebes ng hapon o gabi.

Kasalukuyang na ring naghahanda para sa Bagyong Odette ang mga lokal na pamahalaan sa Visayas at Mindanao.

Ini-reschedule na rin ng national government ang national vaccination drive sa ilang lugar na apektado ng bagyong Odette.

Read more...