Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion! | Bandera

Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion!

Alex Brosas |December 12,2021
facebook
share this

Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion!

Alex Brosas - December 12, 2021 - 06:54 AM

Angeline Quinto

INAMIN ni Angeline Quinto na matagal na siyang kinukulit na mag-asawa ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob.

Sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa Purple Interview kung saan inamin niyang buntis siya sa kanyang non-showbiz boyfriend, itsinika ni Angeline kung bakit wish ng kanyang namatay na Mama Bob na magkaroon na siya ng asawa.    

“’Bakit mo ba ako kinukulit na mag-asawa?’ Kasi kapag nawala raw siya ay wala akong kasama. Iniisip niya iyon. Kasi totoo naman tito Boy, kapag nawala ang Mama Bob, wala, mag-isa lang ako,” say niya.

“Naramdaman ko ‘yun, ‘yung medyo may pagkalungkot. Tama si Mama Bob kasi ngayong wala na siya, wala na akong kasama rin.

“Pero parati ko namang pinapaintindi kay Mama ‘yun. Sabi ko sa kanya, ang tagal kong pinangarap ‘yung meron ako ngayon. Kung ibibigay ng Diyos kung sino ang magiging asawa ko, darating naman ’yun. Pero ayokong magmadali,” sabi ng singer-actress.

Inamin ni Angeline na medyo napaaga nang una siyang ma-in love. Nagkaroon siya ng boyfriend when she was in grade six. Nasundan ito noong nasa second year high school siya.

“Mas marami ang hindi kilala (ni Mama Bob). Ipapakilala ko lang kapag seryoso ako,” say ng singer who is celebrating her 10th  anniversary in showbiz sa pamamagitan “10Q”, isang anniversary concert series na binubuo ng 10 shows na gaganapin sa Manila Metropolitan Theater (Met) from October to February sa pamamagitan ng online platform na ktx.ph.

Sinagot din ng singer ang chikang isa siyang tomboyita.

“Talagang boyish ako simula noon.  Baka nami-misinterpret lang nila. Galing ako sa buhay na wala naman akong pakialam tapos biglang ganoon,” say ni Angeline.

“Naging dyowa ko nga raw si KC Concepcion. ‘Yan ang kauna-unahang lumabas na balita pagkapanalo ko (ng reality singing search na Star Power). Mahiya naman ako kay Mama Sharon (Cuneta, ang host ng show) kung dyowain ko siya (KC),” say niya.

Sa kanyang social media account, marami ang naintriga sa kanyang “new life, chapter one” post.

“Kaya ko naman iyon nai-post kasi, for me, noong nawala ang Mama ko, parang panibagong panimula uli. Kaya ko na-post iyon ay dahil kay Mama Bob at pangalawa po kasi magiging nanay na ako,” pag-amin ng singer.

“Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila. He’s non-showbiz. Tapos noong nagkita kami isang beses, nagkaroon ng communication hanggang sa nagtuloy-tuloy. Bale mag-iisang taon mahigit na kami,” dagdag pa niya.

Angeline refused to name her boyfriend, “Ite-text ko na lang sa inyo o kaya ID niya para alam n’yo kung saan nagwo-work,” say niya kay tito Boy.

Paano niya nalamang ang boyfriend ang “the one”.

“The one? Gano’n pala iyon, eh. Alam mo agad,” she quipped.

“Love at first sight?” tanong ni tito Boy. 

“Hindi naman agad pero kasi matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relasyon. Nagkakilala kami parang bago pa lang ang pandemic. Before nawala ang Mama, na-meet pa niya ang Mama Bob,” say ng singer.

Aminado si Angeline na kumplikado ang relasyon nila ng kanyang boyfriend. 

“Ako, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikitang bagay na kumplikado. Pero tinanggap ko kahit na alam kong may mga kumplikado sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga past niya kasi meron siyang anak sa ibang babae. Hindi po siya (married).

“Hindi rin naman ako nagtanong kahit alam ko na. Siya mismo ‘yung (nagsabi),” pag-amin ng dalaga.    
When asked kung ano ang ipapangalan nila sa baby na isisilang ni Angeline in April, ito ang sagot ng singer  “Tito Boy, kung sa pagpapangalan sa baby, excited kami pareho. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang alam niya gusto kong maging pangalan ng anak ko is ‘yung name niya ang magiging meaning ay music at messenger of God kasi ako po, ‘yung Angeline ay messenger of God ang meaning noon,” pahayag pa ng singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending